top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | November 23, 2025



Robin Padilla  - VIva

Photo: Robin Padilla / FB


Balik-VIVA si Sen. Robin ‘Binoe’ Padilla. 

Sa isang espesyal na contract signing sa Viva Office, panay throwback ang naging topic with Binoe lalo’t ang karamihan nga sa mga naroroon ay kagaya naming mga ka-batch o ka-liga niya sa industriya.


“Nakakatuwa. Ibang klase ang pakiramdam na nakikita ko ‘yung mga nakasabayan ko, inabutan ko sa industriyang nagkanlong sa akin sa mahabang panahon. 


“Walang problema, hindi problema ang pinag-uusapan kundi entertainment lang,” bahagi pa ng naging kuwentuhan namin sa senador na nag-off muna ng tsikahan tungkol sa pagiging pulitiko niya.


Tapos na pala ang Bad Boy 3 (BB3) movie na very soon ay ipapalabas na sa mga sinehan. Limang mga movies pa ang nakatakda niyang gawin under Viva bilang co-producer siya.


Nilinaw ni Binoe na nang dahil sa mataas na cost ng production, ang talent fee (TF) niya ang naging ambag niya sa Viva, kaya raw mayroong RCP Films (Robinhood Cariño Padilla) sa collab projects nila.


“Handa ka ba sa mga nega bashing sa ‘yo sa pagbabalik-movie mo?” tanong ng isang

kasamahan sa trabaho. 


“Sanay na tayo d’yan. Ano pa ba ang hindi naibabato sa akin? Pero rito sa showbiz, ‘yung mga personalan, hindi ganu’n nagtatagal. ‘Pag nakausap mo na ‘yung tao na iniintriga sa ‘yo, madaling magkapatawaran. 


“Sa pulitika, iba. Pero nasanay na rin ako. Salamat sa mga iskandalo at intriga sa showbiz, ini-ready ‘yung kalooban natin,” sagot ni Binoe.


Ang ilan sa mga binanggit ni Binoe na makakasama niya sa BB3 movie ay sina Dennis Padilla, Phillip Salvador, Ruffa Gutierrez, Kylie Padilla at marami pa raw na dati niyang mga katrabaho.


Mukhang kinakausap na rin si Megastar Sharon Cuneta para sa part 2 ng kanilang Maging Sino Ka Man (MSKM) movie, plus dream din daw niyang makatrabaho si Ruru Madrid dahil sa passion nito sa Pinoy action gamit ang Pinoy martial arts. 

Na-mention din niya si Coco Martin at ang pamangkin na si Daniel Padilla na siyang nais niyang pamanahan ng kanyang pagiging ‘bad boy’ na title sa showbiz at bilang isang action hero.


Samantala, isang makahulugang ‘good luck’ lang ang naibahagi nito sa usaping Aljur Abrenica, ang ama ng kanyang mga apo sa anak na si Kylie Padilla.



MARAMI na naman ang namba-bash kay Meme Vice Ganda nang dahil lang sa simpleng komento nitong ‘Pa-juliet-juliet’ (paulit-ulit naman daw) sa naging performance ni Thai popular singer Jeff Satur. 

Twice ngang kumanta si Jeff sa mahahalagang portion ng Miss Universe 2025.


Maraming mga Pinoy fans ni Jeff ang namba-bash kay Meme Vice dahil sa naturang post lalo’t may mga memes ding ikinukumpara ito kay Aljur Abrenica sa pagkanta nang tumitili at bumibirit na parang ibon daw.


Sinagot naman sila ni Vice at sinabing never niyang pinintasan ang husay ng singer bagkus ay naitanong lang nito kung bakit walang ibang singer na kumanta o naging guest.


‘Yung pagkukumpara kay Aljur ay hindi galing sa kanya kundi sa ibang nakapanood ng performance ni Jeff. 

“Complement pa nga ‘yun dahil singer din naman talaga si Aljur,” depensa ng ilang netizens.


“Misquoted o misinterpreted na naman si Meme. Basta-basta na lang din kasing mamuna ‘yung iba,” hirit naman ng nagtatanggol kay Vice Ganda.



HANEP naman ang ginawang mediacon ng Regal Entertainment para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO).


Very now ang peg lalo’t sa isang malaking sinehan ito sa Gateway ginanap with those of adoring fans ng mga young members of the cast na hindi maawat sa kakatili at kakasigaw. Hahaha!


Maganda ang premise ng trilogy ng SRR dahil may timeline silang 1775, 2025 at 2050 at kung paanong nilalabanan ang forces of evil.


Sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Manilyn Reynes, Arlene Muhlach, Ara Mina, Ivana Alawi at Janice de Belen ang lumalabas na mga senior stars ng Regal entry dahil halos lahat ay mga baguhang artista na.


Karamihan pa sa kanila ay mga galing sa bahay ni Kuya at naging popular nang dahil sa naging exposure nila sa Pinoy Big Brother (PBB).


Nandiyan sina Dustin Yu, Fyang Smith, JM Ibarra, Loisa Andalio, Isabel Ortega, Ashley Ortega, Elijah Alejo, Karina Bautista at sina Seth Fedelin at Francine Diaz, plus marami pang iba.


Ang mga direktor nito ay sina Ian Lorenos, Joey de Guzman at Shugo Praico.

Well, umaasa rin kami na ‘yung lakas ng mga sigawan sa mediacon ng mga grupo ng mga fans ng ilan sa mga bidang artista ng SRR:EO ay dapat na mag-translate sa bonggang box-office returns come December 25.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 18, 2025



FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



“Today is my Freedom Day,” ito ang pahayag ng comedienne-TV personality na si Ai Ai Delas Alas nang mag-post ito sa kanyang social media. 


Isang taon na pala ang lumipas nang maghiwalay sila ng dati nitong asawa na si Gerald Sibayan.


Saad ni Ai Ai, “Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ng taong akala ko’y kasama ko habang buhay. Naligaw ako, naguluhan, at halos hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.


“Pero sa gitna ng sakit, gulo at katahimikan, nar’yan kayo. Sa lahat ng dumamay, umunawa, tumahimik sa tabi ko, at nagdasal para sa akin, salamat.


“Hindi ko ito nalampasan nang mag-isa. At higit sa lahat, salamat sa Diyos na hindi ako iniwan kahit na kailan.


“Buhay ako, matatag ako. Maraming salamat din sa mahal na Inang Maria na parating nakagabay sa akin. Salamat kay Father Allan Samonte, my BFF @allandizonsamonte, at mga kaibigan naming pari sa mga dasal. 


“Salamat sa Zumba, sa aking mga instructor at classmates. Salamat sa gym pati aking mga coaches. Salamat sa aking mga kaibigan na hindi ako iniwan. Salamat sa anak kong si Sancho @sanchovitodelas alas. At higit sa lahat, salamat sa aking mga tagasuporta, followers, fans. 


Noong panahon na ‘yun, ang parati kong isinasaisip at isinasapuso ang comment na nabasa ko, ‘Isang tao lang s’ya, milyon kaming nagmamahal sa ‘yo.’ AMEN.”


Good job, Ai Ai delas Alas. Mas mabuti na rin na ipagdiwang mo sa pamamagitan ng pagsisimba at pamamasyal sa mall kesa naman malungkot ka pa para sa taong hindi ka naman ipinaglaban sa huli.


Pak, ganern! May hugot ‘yan!



Nakiusap ang senador at aktor  na si Sen. Robin Padilla na unahing ilabas ang kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth).


Saad niya, “Katulad ng aking talumpati sa plenaryo ng Senado patungkol sa Freedom of Information, ngayon na, maglabasan ng SALN. Tanggapin ng Senado ang hamon ng bagong Ombudsman! Unahin n’yo na po, ilabas ‘yun sa akin!”


Samantala, ayon sa pahayag ay mismong si Sen. Robin ang sumulat kay Senate Secretary Renato Bantug upang ipaalam na kusa siyang magbibigay ng waiver para ilabas ang kanyang SALN.


Wika ni Sen. Robin Padilla, “Ako po ay nakikiisa sa diwa ng ganap na pagpapahayag at katapatan batay sa prinsipyo ng ‘public office is a public trust.’”


May iba kayang kumasa at sumunod sa hamon ni Sen. Robin?

‘Yun lang, and I thank you.



“NAGTATRABAHO ako nang maayos dito, hindi ito galing sa nakaw,” paalala ng magandang aktres na si Nadine Samonte sa kanyang Instagram (IG) post.


Nagbahagi ang aktres ng photos kung saan makikita ang magagandang damit at sapatos ng kanyang mga anak na kanyang ibinebenta. 


Wika ni Nadine, “These are all pre-loved items ng mga kids. First to comment ‘mine’ will get the item. Ila-like ko po ‘yung comment n’yo para alam n’yo po kung kayo ang nakakuha.


“Please wait for my DM from my IG account only para iwas sa mga scammers. No exchange, no refund po tayo. Lahat ng details, nasa picture na po. All joy miners will be blocked! GCash or BDO transaction only and must be paid within 24 hours.


“J&T or Lalamove, puwede. Muntinlupa location. Additional for SF (shipping fee), hindi po kasi libre ang shipping. And yes, nakapag-donate na po ako (kasi dami mga taong ano rito, eh) at nagtatrabaho ako nang maayos dito, hindi po galing sa nakaw. Thank you.”

Dagdag pa ni Nadine, “Hello, everyone! I’ll be posting used items of our kids sa IG.


Paunahan na lang po mag-‘mine’ sa post. Sorry, hindi po s’ya donation since 10 balikbayan boxes na ang na-donate namin na toys sa mga kids na nangangailangan. Ipo-post namin ‘yan for proof na tumutulong din po kami kasi ‘yung iba rito, alam na.


“This time, we will sell clothes and shoes kasi we need also funds, ‘noh! Hahaha! Real talk lang. Abang lang po kayo later. Only on IG!”


Well, korek ka d’yan, Nadine Samonte. Huwag mong intindihin ang negatibong komento. At sana lang,  gayahin ka ng ibang mga misis ng tahanan na gumagawa ng paraan para tulungan ang asawa. 


Super lucky naman ang anak ng BFF ni yours truly na aktres na si Isabel Rivas na si Richard Chua. 


At in fairness, ang gaganda ng damit at sapatos at halatang halos bago pa kaya buy na kayo, mga madlang people!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 10, 2025



Chiz Escudero at Robin Padilla - FB

Photo: Edu Manzano - IG


Saludo ang senador at aktor na si Sen. Robin Padilla sa asawa ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.

Sa Facebook (FB) page post ni Sen. Robin ay pinasalamatan niya ang dating Senate President.


Aniya, “Assalamu alaikum! Sa aking kababayan mula sa Bicol Region, nais ko lamang magpasalamat sa iyo Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ng buong puso at pagkatao lalo na bilang Muslim. Sa iyong pagiging Pangulo ng Senado ay nagkaroon ng pinakamaraming batas na naisulong sa kasaysayan ng Senado at Pilipinas, mga batas na patungkol sa pananampalataya at karapatan ng mga Filipino Muslim.


“Inaamin ko po noong panahon na hindi pa kita kilala at isa pa akong sibilyan, ako’y naniwala na ikaw ay anti-Muslim. Katunayan ay pinag-initan din kita dahil sa mga maling sumbong laban sa iyo.


“Muli, mahal na dating Pangulo ng Senado, ako’y saludo po sa inyong ipinakitang pagmamahal sa amin, sa mga panukalang batas na umabot pa po sa puntong kayo mismo ang nag-iikot nito sa mga kapwa-senador upang matalakay sa plenaryo at tuluyang pumasa at maging mga ganap na batas.


Mahal na dating Pangulo ng Senado, hinding-hindi po makakalimot ang kapatiran ng mga Muslim.


“Una, ang dasal po para sa inyo. Pangalawa, ang hanggang kamatayan na suporta sa inyo. Allah hu Akbar! Assalamu alaikum.”


Bilib talaga si yours truly sa pagiging mapagkumbaba ni Sen. Robin Padilla at pag-amin na minsang naniwala rin siya sa maling sumbong tungkol sa mister ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.



Aliw na may kasamang asaran ang nangyari sa post ng content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo.


Kamakailan lang ay nagbahagi si Esnyr sa kanyang Instagram (IG) account ng larawan niya na nagpapakita ng magandang tanawin sa Mt. Pinatubo at may caption na: “First hike... and last, eme (joke)!”


Sa comment section ng post ni Esnyr ay nagkomento ang former PBB housemate na si Shuvee Etrata. Super-aliw ang mga netizens sa kanilang sagutan sa post.

Saad ni Shuvee, “Ang ganda ng view.”


Sagot naman ni Esnyr, “Very tita-coded ‘yung comment tuwing mag-post ka ng picture sa FB (Facebook).”


Dagdag pa ni Shuvee, “May kadugtong ‘yan. Ang ganda ng view, sayang may nakaharang lang.”


Samantala, kung kay Esnyr ay aliw ang mga netizens sa sagutan nila ni Shuvee, seryoso naman ang naging pahayag ni Shuvee sa post niya sa kanyang IG ng heartfelt birthday greeting para sa kanyang ka-duo na si Klarisse De Guzman.


Saad ni Shuvee sa post niya, “Ringing in dreams of a lifetime with you, Mowm! Thank you for being my final duo - what a ride it’s been! From helping me survive Kuya’s house to being my no-judgment chika buddy (kahit napipilitan ka lang kasi gusto mo ng massage), I honestly don’t know if I can survive PBB without you.


“Dati, mina-massage lang kita sa bahay to doing all these brand collabs, we did that, Mowm! We made it! Happiest birthday to you! Never forget, you've got a real one in me. Enjoy your day to the fullest - you deserve all the love, laughs, and chichirya the world has to offer! Love you always, mowmmmm!”


Simple pero wagas naman ang naging komento ni Klarisse De Guzman sa post ni Shuvee.


Saad ni Klarisse, “I love you, Shuvs! Walang iwanan.”

Matatandaan na ipinagdiwang ni Klarisse ang kanyang 34th birthday nito lamang September 6.

‘Kaaliw talaga ang kulitan ng mga PBB housemates kahit sa labas ng Bahay ni Kuya.



PINARANGALAN si Kim Chiu bilang Best Female TV Host sa 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Sa social media post ng aktres at TV host, nagbahagi siya ng larawan niya na may hawak na trophy.


Saad ni Kim sa post niya, “Thank you PMPC for this recognition, I am truly honored. To my @itsshowtimena family, thank you for always being part of my journey.


“This means so much to me. Thank you po. It may have been long overdue, but having the trophy in my hands now fills me with gratitude.”

Congratulations, Kim! Deserve na deserve mo ‘yan!

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page