Jonvic, nagsisisi sa hindi pag-aresto kay Bato sa Senado

ni Mervin Reyes @News | October 20, 2026

Photo: Jonvic Remulla at Ronald Bato Dela Rosa - DILG - Senate PH
Inamin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na pinagsisisihan niya ang hindi paghuli kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na umano’y nagtatago sa mga awtoridad.
Sa isang panayam nitong Lunes, Oktubre 19, sinabi ni Remulla na nagkaroon noon ng gentlemen’s agreement na hindi aarestuhin ang mga senador habang nasa kustodiya ng Senado.
“Kay Bato, I dropped the ball. I should have arrested him in the Senate,” ani Remulla.
Batay sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) noong Mayo 19, 2026, nakasakay umano si Dela Rosa sa kotse na pag-aari ni Sen. Robin Padilla alas-2:30 ng madaling-araw noong Mayo 14, ilang oras matapos ang putukan sa Senado noong Mayo 13.
Ayon kay Remulla, sinabi niya noon kay Senate President Alan Peter Cayetano na nawalan ito ng pribilehiyong protektahan si Dela Rosa matapos itong makatakas.
“Pinagsisisihan ko talaga. Kasi the next person, si Jinggoy, ako ang pumunta kinuha ko na siya roon,” ani Remulla.





Comments