top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Aktres, nang halikan ng mister… LUIS, TINAWAG SI ALEX NA DILIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 14, 2023


Simple lang ang naging selebrasyon ni Alex Gonzaga at ng mister niyang si Mikee Morada ng kanilang wedding anniversary.


Sa ipinost ni Alex sa kanyang Instagram Stories, aniya, "Namangka, nangisda, at nag-ihaw sa Taal Lake para sa aming anniversary date!!! Ang saya, may nabingwit akong poging tawilis!" aniya.


Isa sa mga nagkomento ang kaibigan niyang si Luis Manzano.


"Bakit naka-kiss si Mikee sa dilis?" pang-aasar na komento ni Luis.


Sumagot naman si Alex, "@luckymanzano WOW, nagsalita 'yung mukhang bisugo!"


Hahaha! 'Kaaliw! Ganyan magmahalan ang magkaibigan, laglagan kung laglagan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page