top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, na-bash… SANYA, AYAW NG FANS PARA KAY ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida | August 5, 2023



Mahigpit na yakapan ang nangyari nang magkita sina Alden Richards at Ruby Rodriguez sa Amerika. Nai-share ni Ruby sa Instagram ang picture nila ni Alden kasama si Miss Universe-Philippines 2023 Michelle Dee.



Sabi ni Ruby, “I’m so happy to be reunited with my anak @aldenrichards and the beautiful @michelledee.”


Nagkasama sina Alden at Ruby sa Eat… Bulaga! hanggang sa mawala sa show ang una dahil nakabase na ito sa Amerika. Kaya naman, sobrang saya ng dalawa nang muli silang magkita at tiyak na katakut-takot na tsikahan ang kanilang ginawa.


Nasa Amerika sina Alden at Michelle dahil napili sila bilang mga judges sa gaganaping The Grand Coronation Gala ng Miss Filipina International today, August 5, sa Beverly Hilton sa Beverly Hills, California.


Kahit wala sa bansa si Alden para sa pilot airing ng month-long episode na pagpi-feature sa kanya sa Magpakailanman, tiyak na panonoorin pa rin ito, hindi lang ng kanyang mga fans. Marami kasi ang matututunan sa episode na A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story na tungkol sa marathon runner na may kondisyon na dystonia. Kasama niya rito si Sanya Lopez.


And speaking of Sanya, as expected, na-bash ang aktres nang magpahayag ng appreciation in working with Alden sa episode ng #MPK. Ano ba ang ikinatatakot ng ilang AlDub fans, eh, sa isang episode lang naman sila naging magkatrabaho?


Hindi sila love team, maliban na lang kung i-request uli ni Alden na si Sanya ang makapareha sa susunod niyang teleserye sa GMA-7.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page