Ayaw daw ng fake… “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” — HEART

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 23, 2026

Photo: IG _iamhearte
“Hindi masama na bumili ng mahal kung afford mo,” ang bonggang pahayag ng aktres-TV host na si Heart Evangelista sa programang The People Have Spoken (TPHS) ng GMA-7 nang tanungin siya tungkol sa pagbili ng designer bags at shoes.
Sa programa, tinanong si Heart kung ano ang kanyang pipiliin sa pagitan ng pagbili ng mura pero fake na designer bags at shoes o hindi pagbili dahil ayaw niya ng peke.
Diretsahan naman ang sagot ni Heart, “Parang kailangan ko ata mag-class 101 tungkol dito kasi ito ‘yung trabaho ko, eh. Dito ako kumikita, so ito ang explanation ko. ‘Di masama na bumili ng mahal kung afford mo. Pero kung ‘di mo afford, ‘wag kang bumili nu’n (fake). Because it does not dictate your social status.”
Dagdag pa niya, magiging plastic siya kung sasabihin niyang hindi siya bumibili ng mamahaling items.
Aniya, “Sasabihin ko naman din, plastic ako kung sasabihin ko na ‘di ako bumibili. Pero ako, high-end, no end ako. I know how to make fashion work even if it’s not expensive.”
Sa huli, ang sagot ni Heart ay Letter B o hindi siya bibili ng fake.
Well, kung may sapat kang salapi, why not coconut? At least, nagpakatotoo lang si Heart.
In fairness, high-end ang taste niya, high-end din ang puso. Kita naman sa pagtulong niya kay Ate Gay noong nagkasakit ito.
Pak, ganern!
ANG French-inspired Christmas tree ng Lord of Scents na si Joel Cruz ay kasalukuyang naka-display sa Rustan’s Christmas Shop.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Joel ang larawan niya habang nakatayo sa tabi ng kanyang Christmas tree na tampok sa naturang Christmas shop.
Ayon kay Joel, inspirasyon niya sa kanyang Christmas tree ang Strasbourg, na kilala bilang ‘Christmas Capital of France’.
Aniya, tampok dito ang mga white bear, sparkling ornaments, golden floating balloons at malalaking bows na naglalayong ipakita ang elegance, warmth at magic ng Pasko sa France.
Samantala, naka-display din sa Rustan’s Christmas Shop ang iba pang magagandang Christmas tree designs na likha ng kanyang mga kasamahan at kaibigan.
“REGINE and I are very, very okay,” nakangiting pahayag ng aktres na si Gelli de Belen sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam, napag-usapan nina Gelli at King of Talk Boy Abunda ang naging kontrobersiya noon sa pagitan nila ni Regine Velasquez na may kaugnayan sa mister niyang singer na si Ariel Rivera.
Ani Gelli, “Regine and I are very, very okay. Basta, tapos na. That chapter of our life is over. We’ve grown from it.”
Dagdag pa niya, “Everything happens for a reason. Walang coincidences in life, and that happened for a reason. Kung ‘di ka magtatanda at ‘di ka matututo sa mga pagkakamali o challenges natin sa buhay, mangyayari at mangyayari lang ‘yun.
“I believe that for all of us in the situation, we all grew from that experience. There’s always something to learn from any experience.”
Sa panayam, napag-usapan din ang pamangkin ni Gelli na si Kaila Estrada at ang boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Tinanong ni Boy si Gelli, “Kaila is also very happy with Daniel. Do you like Daniel?”
Diretso namang sagot ni Gelli, “Yes. Alam mo ba, inaanak ko ‘yan? Sabi ko nga sa kanila, as long as you both are happy, as long as you bring out the best in each other... happiness.”
Big tumpak ka r’yan, Gelli. Basta masaya ang pamangkin, happy na rin ang tita. ‘Di ba, madlang pipol?
Pak, ganern! ‘Yun lang, and I thank you.





Comments