top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pamilya ng businessman, kahit out sa kasal… MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 22, 2026



SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Nabigyang-linaw na ang kumalat na bulung-bulungan ilang buwan na ang nakararaan na tinanggal diumano si Mr. Vincent Co bilang presidente ng Puregold Price Club Inc. matapos nitong piliing ituloy ang kasal kay Bea Alonzo nu’ng July 13, 2026 sa pamamagitan ng civil ceremony sa Makati City Hall.


Kung matatandaan, super intimate wedding ang naganap sa pagitan nina Bea at Vincent at ni hindi nga imbitado ang kani-kanilang pamilya. 


At doon nga lumutang ang balitang galit na galit diumano ang parents ni Vincent kaya tinanggalan siya ng posisyon sa Puregold.


Pero sa ginanap na event ng Puregold sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite last Saturday, ang Hakot Relay Southern Luzon, hindi lang basta dumating ang mister ni Bea, pinangunahan pa nito ang 8 KM run na sinalihan ng mahigit 4,000 runners.


At take note, kahit tumatakbo at medyo pawisan na si Sir Vincent, maraming nakapansin na mas gumuwapo ito at parang nagkakahawig na sila ng kanyang misis na aktres.


Kaya nga ang kantiyaw ng press na hindi na niya nagawang maharap dahil nagmamadali siyang simulan na ang fun run, “Ikaw ba naman ang magkaroon ng asawang tulad ni Bea.” 

Tamah!!!


Anyway, kahit ang lakas ng ulan nu’ng Sabado, hindi napigilan ang mga participants ng Puregold Hakot Relay na tumakbo at humakot ng mga grocery items para kanilang maiuwi.


Kitang-kita ang saya sa mga mukha ng mga runners sa kabila ng matinding pagod at kahit naambunan pa, todo-hakot lang sila ng mga grocery items mula sa mga brand partners ng Puregold.


Well, hoping ang maraming consumers na sana raw ay dalhin din ito ng Puregold sa iba’t ibang key cities ng bansa para mas maraming makasali sa Hakot Relay.





JULIANA PARIZCOVA, AFTER NG NGIPIN, GAME NA RING IPARETOKE ANG ILONG



PASABOG ang It’s Showtime Miss Q&A 2018 Grand Winner na si Juliana Parizcova nang dumalo sa mediacon ng grupong SMILE o Samahan ng mga Manggagawa sa Industriya ng Live Events na ginanap sa Seda North nu’ng Biyernes.


After 15 yrs. kasi, finally ay nakapag-decide na si Juliana na ipagawa ang kanyang ngipin kaya ngayon ay new look na siya at proud sa pagbabago sa kanyang hitsura.


Nilinaw niyang hindi naman dahil sumusuporta siya sa grupong SMILE kaya kinailangan niyang ipagawa ang kanyang ngipin, pero timely daw ang pagiging bahagi niya ng grupo lalo’t marami silang magiging projects.


Ibinalita ni Juliana na masaya siyang maging bahagi ng SMILE na malaking tulong daw sa maraming manggagawa sa industriya ng live events tulad ng mga stagehands, technicians, riggers, production assistants, drivers, suppliers, performers at iba pang project-based at freelance workers.


May mga advocacy kasi ang grupo na pinangungunahan nina Mr. Terence Jabatan, Atty. Herman Coloma Jr., at Prof. Dolores Andres para sa mga maliliit na manggagawa sa industriya na napag-iiwanan lalo na sa aspeto ng mga benepisyo kumpara sa mga artistang mas malalaki ang kita at nakukuhang benepisyo.


Bilang artista na hindi rin naman sobrang laki ng kita, nauunawaan ni Juliana ang hirap na pinagdaraanan ng mga tulad niyang talents na hindi nabibigyan ng tamang benepisyo. At ito ay isa lang sa mga gustong tutukan ng SMILE para matulungan ang mga  maliliit na manggagawa.


Bagama’t may Eddie Garcia Law na raw, marami pa ring hindi nabibigyan ng tama at sapat na benepisyo sa mga maliliit na manggagawa sa live events kaya nabuo ang grupong SMILE para maging boses ng mga taong kabilang sa sektor na ito.


Anyway, going back kay Juliana, natanong namin ito kung ano naman ang next plan niya after niyang ipaayos ang kanyang ngipin.


Inamin niya sa aming gusto rin niyang iparetoke ang kanyang ilong dahil kasama pala sa mga napanalunan niya noon sa Miss Q&A 2018 ang retoke package.


Wala naman daw siyang peg na celebrity sa kanyang ilong, ang gusto lang daw niya ay tumangos ito nang konti na babagay sa kanyang mukha at hindi naman ‘yung tipong hindi na siya makikilala. 


So, abangan na lang natin ang new look uli ni Juliana Parizcova after ng kanyang nose enhancement.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page