top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktres, game na raw maging misis… PAULO, GUSTONG MAGING HOUSEWIFE SI KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2024
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 18, 2024




Sa It's Showtime nitong Sabado ay ipinromote na nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kanilang K-drama na Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim. 


Very sweet na nag-duet ang dalawa kung saan pinakilig nila ang KimPau fans. Umabot na nga sa puntong hindi na magkarinigan sa loob ng studio, dahil sa tili at sigawan ng mga nasa loob ng studio. 


After nilang kumanta ay tinanong ni Vhong Navarro si Paulo, “Pero, Paulo, kung ipo-promote mo si Secretary Kim (Kim Chiu), ano’ng job title o posisyon ang ibibigay mo sa kanya?”


Sey naman agad ni Paulo, “Hindi ko alam kung promotion ‘yung tawag du’n, pero housewife.”


At saka naman tinanong ni Pau si Kim. Aniya,“Nag-TESDA ka na ba?”


Sagot ni Kim, “Nag-TESDA na ako. Marunong na ako magluto, mamalantsa, maglaba.


Aalagaan kita.”


Lalong tumindi ang sigawan ng madlang pipol sa studio. At ang KimPau fans, ‘di mapigil ang kilig sa palitan ng mga salita ng dalawang lead actors.  


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page