AI, binabago na ang mundo, Pilipinas, tameme lang!
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | August 18, 2026

Torete ang buong mundo sa pamemeste ng AI.
Pero ang Pilipinas, tameme lang.
Hindi nila alam kung “ano” ang tunay na sitwasyon.
----$$$--
Kung tayo ang tatanungin, isang “bagong monster” ang AI.
Nasanay kasi tayo sa “biological creature.”
-----$$$--
Noong una, akala ng mga siyentisya, mikrobyo lang ang kalaban.
Nang lumaon—mayroon din palang mas mapanganib—iyan ang “virus.”
----$$$--
Magkaiba ang bacteria sa virus.
Puwedeng mapatay ng antibiotics ang bacteria.
Pero, alam ng lahat na walang kamatayan ang virus–paulit-ulit at pabalik-balik ‘yan tulad ng isang “bampira at aswang.”
----$$$--
Walang gamot, pero may pangontra sa virus.
Iyan ay ang immune system ng indibidwal—‘yan din ang panlaban sa bacteria.
----$$$--
Hanggang ngayon, nag-aabang ang mga siyentista ng pandemya—pero ang inaantay nila ay “anyo ng bacteria at virus.”
Iyan kasi ang “padron” ng kanilang intelligence at acquired knowledge.
----$$$--
Hanggang ngayon ang padron o hulmahan o template ng kanilang isip ay sa anyo ng bacteria at virus—ang susunod na pamdemya o krisis—na lilipol sa human species!
Nagkakamali sila, kasi lipas na ang sistema o iskema ng edukasyon na kanilang ginamit, 2,000 taon na ang nakararaan.
----$$$--
Hindi na epektibo ang sistemang edukasyon na ‘yan—dahil bigo iyan upang makontra ang virus at maging ang “asteroid” na sorpresang bumabagsak sa ilang siyudad.
Ngayon, nararamdaman ng mga siyentista—na ang AI ay isang klase ng “kalaban” ng human species sa hinaharap.
----$$$--
PAPALITAN ng ng AI ang utak ng tao—at maging ang kamalayan ng indibidwal.
Ang nakakatakot, alam at mulat ang mga nagsasaliksik na walang kinikilang “diyos” ang AI.
----$$$--
HUMANITY ang kalaban ng AI.
Ibig sabihin, ang mundo ay maaalipin ng AI—na alam nating walang kinikilalang diyos.
----$$$--
SA totoo lang, makokontra natin ang AI—kung mauunawaan natin ang tunay na kahulugan.
Isang palsipikadong “intelligence” ang AI.
Pwes, ang pangontra r’yan ay “consciousness.”
----$$$--
KUMBAGA, intelligence kontra-consciousness.
Napepeke ang intelligence, pero hindi kailanman ang “consciousness.”
----$$$--
SA ngayon at sa hinaharap: Robot kontra-tao!
AI vs. humanity!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments