Agot, Pokwang at Ogie, lusot… ENCHONG, TINULUYAN SA P1-B CYBER-LIBEL CASE
- BULGAR
- Dec 30, 2021
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 30, 2021

Hindi maganda ang magiging pagtatapos ng 2021 sa Kapamilya actor na si Enchong Dee, maging ang pagsalubong niya sa Bagong Taon, dahil sumampa na sa korte ang P1 bilyong cyber libel case na isinampa laban sa kanya ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine "Dendee" Bautista-Lim.
Kinatigan ng Prosecutor's Office sa Davao Occidental ang isinampang reklamo ni Congw. Claudine, na kung matatandaan, nag-ugat sa pagpuna at pagbibigay ng maanghang na komento ni Enchong sa kanyang bonggang kasal na ginanap sa Balesin Island nu'ng August, 2021.
Kung tutuusin, hindi lang naman si Enchong ang nag-iisang showbiz celebrity na pumuna at nag-post sa social media ng kanyang saloobin sa bonggang kasal ni Congw. Dendee sa gitna ng pandemya.
Ilan din sa mga nag-post ng comment ay sina Ms. Agot Isidro, Pokwang at Ogie Diaz.
Comment ni Agot, "That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista?"
"Ok ano na? Ang class ng representative ng mga drivers ha…naka-Michael Cinco na wedding gown…edi wow!!!" naman ang naging tweet ni Pokwang.
Habang ang talent manager na si Ogie Diaz ay nag-tweet ng, "Grabe si Ate na representative ng mga drivers. Baka naman me accomplishment siya during pandemic, pakilatag ang resibo."
Pero ang tatlong personalidad ay nakalusot sa korte dahil hindi raw kinakitaan ng elemento ng libel ang kanilang naging comment, unlike diumano sa binitiwang pahayag ni Enchong na direktang inaakusahan si Congw. Dendee ng paggamit sa pondo ng bayan sa kanyang 'lavish wedding'.
“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let us not prolong this conversation and don’t say otherwise,” ang naging tweet ni Enchong na pinagbasehan ng Prosecutor's Office para isampa na sa korte ang cyber libel case laban sa aktor.
Samantala, sa chikahan namin with Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio last Monday, nahingan namin ito ng komento sa kasong kinasasangkutan ni Enchong Dee.
Kung matatandaan, isa si Atty. Ferdie sa mga nagbitaw ng komento noon na mas ipinahamak ni Enchong ang sarili sa pagbibigay ng public apology kay Congw. Dendee dahil ibig sabihin daw nito ay may basehan ang libel case na isinampa laban sa aktor.
Sabi ni Atty. Ferdie, dapat ay maging lesson learned sa mga netizens na mahilig mag-Marites at makisawsaw ang nangyari kay Enchong.
"Let this be a lesson not only to Mr. Enchong Dee but for everyone na bago naman kayo magsalita ng ikasisira ng ibang tao, ha, eh, tingnan n'yo muna 'yung facts kung totoo.
"Madaling magsabing magnanakaw, ginagamit ang pondo ng bayan… Madaling magkomento, pero kung walang katotohanan, talagang madedemanda kayo."
Bukas ang aming pahayagan para sa panig ni Enchong Dee, pero as of this writing, wala pa kaming naririnig na aksiyon mula sa kampo ng aktor.





Comments