top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After pakiligin ang mga fans… SHARON AT GABBY, KANI-KANYA NA ULI AFTER NG CONCERT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 31, 2023




Ang simple ng caption ni Kiko Pangilinan sa post niya ng photo nila ni Sharon Cuneta na magkayakap pagkatapos ng Dear Heart concert. Sabi lang ni Kiko, “Kapag natapos na ang oras sa trabaho,” pero ang dami nang iba’t ibang reaksiyon.


Marami ang natuwa at pinuri ang pagiging maunawain ni Kiko at pinayagan si Sharon na gawin ang Dear Heart concert with Gabby Concepcion na may dalawa pang kasunod na shows. Wala raw kaselos-selos sa katawan si Kiko at hindi nga nag-react sa mga hate comments sa kanya prior to the concert.


Siguradong nabasa ni Kiko — at ni Sharon na rin — ang mga comments na sa kanilang mag-asawa totoong kinilig ang ilang netizens dahil sila ang reyalidad at ang kay Gabby ay trabaho lang.


May mga nagpasalamat naman kay Kiko for allowing Sharon to do the concert para sa mga fans at para na rin kay KC Concepcion na matagal nang dream na makita ang kanyang parents na magkasama.


Ang ganda ng comment na “It was Sharon and her past which we loved and learned from. But all’s well that ends well… She deserves happiness and true happiness is with you, VP Kiko.”


May mga nagalit naman dahil panira raw sa moment si Kiko at hindi raw ba nito alam na may kasunod pang shows sina Sharon at Gabby? As if namang makakasira sa ticket sales ang photo nina Kiko at Sharon, eh, matagal nang tanggap ng mga fans ang kaibahan ng real sa reel.


Anyway, isinelebreyt nina Sharon at Kiko ang 14th birthday ng bunso nilang si Miguel kasama si Miel. Simple celebration lang ito sa isang restaurant at sa caption ni Kiko, pinasalamatan ang pagdating ni Miguel sa buhay nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page