After ni Kathryn… IBANG CELEBS, NAG-UNFOLLOW NA RIN KAY ANDREA
- BULGAR
- Nov 21, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | November 21, 2023

Tumitindi na ang pagsasabong sa dalawang aktres na sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes, pero mukhang dehado sa labanan ang huli.
Unang nag-unfollow si Kathryn kay Andrea sa social media kung saan marami ang nagsunuran sa aktres at in-unfollow din nila ang young actress.
Si Andrea ang pinagbibintangang dahilan kung bakit umano nagkahiwalay ang long-time celebrity couple na sina Kathryn at Daniel Padilla.
Pareho pa namang hindi nagsasalita ang magdyowa, at maging si Andrea ay tameme rin kahit na ang name niya ang nakakaladkad sa breakup ng KathNiel.
Pero mukhang apektado na si Kathryn sa mga hearsay sa kanilang tatlo dahil in-unfollow nga niya si Andrea sa social media.
May mga kaibigang celebrities din ang sumunod kay Kath at in-unfollow na rin ang young actress, kaya nag-unfollow na rin si Andrea sa TikTok ni Kath.
Grabe, ang daming komento ng mga netizens hinggil sa dalawang aktres.
"May movie kasi kaya kailangang mag-ingay.”
"Lumalaki na ‘yung usok. Malamang, trulagen na wala na sila."
“Bakit hindi pa nagsasalita si DJ???"
Komento ng isa, "‘Wag mong kakalabanin si Kath dahil siya ang reyna ng Kapamilya Network, baka mawalan ka ng career d’yan, sige ka."
"What did you say??? Personal na buhay nilang 3 ang issue. Sino ba naman si Kathryn??? Kayo lang mga fans niya ang nabubudol niya. Not us!"
"Andrea can stand in her own unlike Kath na kailangang may partner na sikat sa mga movies niya!"
"Ganu’n? ‘Wag din kayong bully, mga fans ni Kathryn. Kahit na ‘di si Andrea kasingsikat ni Kathryn ngayon, may ibubuga naman siya at may potential ding sumikat. Maganda, maraming talents at may ibubuga rin sa aktingan. Sus!"
"Now that walang prangkisa ang ABS, mukhang hindi pa rin nila pakakawalan ‘yang si Andrea.
Alam mo kung bakit? Malakas ‘yan sa social media, eh. Maski nga serye ni Andrea, mataas ang online views niyan. Lol! Yes, Kathryn is still a queen in ABS, pero hindi naman lahat ng panahon, sikat siya. And she is getting old."
"Puro tungkol sa boys ang issue ni Andrea. From Kyle, to Seth, to Ricci, and then now, Daniel."
"Hindi kasalanan ni Blythe kung maganda siya at madaming nagkakagusto sa kanya gaya ni Daniel," pagtatanggol ng isa kay Andrea.
"Taray ni bagets. I will do the same thing, unfollow too. Quits lang. Surprisingly, quiet yata si Blythe sa issue now. DJ should clear things once and for all. Whatever it may be, their rabid fans need to know the truth."
"Sana, silang dalawa ni DJ ang magpaliwanag nang maayos at huwag daanin sa verses o title ng libro."
"Followed pa rin ni Daniel si Andrea."
"Si Kath din naman, followed pa ni Daniel. Torn between two lovers ba ang peg?"
"Waiting ko sina DJ at Kath mag-un-follow-han."





Comments