After malantad ang bagong GF, Kim… XIAN, MAY PINATATAMAAN TUNGKOL SA INSECURITY
ni Nitz Miralles @Bida | February 19, 2024

Matagal nanahimik si Xian Lim at kahit may mga bago siyang post sa Instagram, naka-off naman ang comment box, kaya hindi makapag-inteact sa kanya ang mga fans at bashers.
Isa sa bagong post ni Xian ay ang Philosophy Insight mula kay Haruki Murakami na ang sabi, “But we cannot simply sit and stare at our wounds forever.”
Ang dating nito sa mga nakabasa ay patungkol sa pagkaka-link niya kay Iris Lee at gustong tukuyin na naka-move on na siya kaya may bago nang pinopormahan.
May post din si Xian tungkol sa insecurity na mga pahayag nina Angelina Jolie at Chris Martin.
May sinabi si Chris Martin na, “Insecurity doesn’t mean anything, don’t worry too much.”
Sino kaya ang pinatutungkulan dito ni Xian?
Samantala, masipag sina Xian, Valeen Montenegro at Jennylyn Mercado sa mga mall shows bilang pasasalamat sa mga sumusubaybay sa Love. Die. Repeat. na habang nagtatagal, nagiging mas exciting ang story, kaya tumataas ang ratings nito.





Comments