top of page
Jericho Rosales Official - IG.jpg

After magpahinga para sa kalusugan… SOPHIA, BALIK-KATSEYE NA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 10, 2026



Katseye - Sophia Laforteza - IG

Photo: Katseye - Sophia Laforteza - IG



Bumalik na si Sophia Laforteza sa dati niyang grupo, ang KATSEYE.

Opisyal na inihayag ng HYBE x Geffen Records na babalik si Sophia sa KATSEYE sa unang linggo ng Enero 2027.


Ayon sa management, “We are happy to share that Sophia will resume group activities with KATSEYE beginning the first week of January 2027.


“Sophia has been prioritizing her health and well-being with our full support and resources. While Sophia will not be participating in THE WILDWORLD TOUR in North America, or promotional activities for the remainder of this year, we look forward to welcoming her back as KATSEYE continues this next chapter together in 2027.


“We are incredibly grateful to EYEKONS for the continued love, support, and understanding you’ve shown Sophia and KATSEYE. Thank you for standing by her, and we look forward to celebrating her return with you in the new year. Thank you.”


Pansamantalang nagpahinga si Sophia noong Agosto 2026 upang bigyang-pansin at alagaan ang kanyang kalusugan at well-being.


Hindi muna siya makakasama sa natitirang bahagi ng The Wildworld Tour sa North America, pati na rin sa mga promotional activities ng grupo sa buong taon ng 2026 upang magpalakas.


Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Sophia sa pag-unawa ng mga tagahanga. Sinabi niyang gagamitin niya ang oras na ito para mag-ensayo upang bumalik na mas masaya, mas malusog, at mas matatag para sa muli nilang pagsasama-sama ng kanyang mga ‘sisters’ sa entablado.

‘Yun na!





OUT na ang mga bagong awitin ng multi-time Aliw awardee na bandang Progeny. Ang dalawang bagong kanta ng grupo ay pinamagatang Hanggang sa Muli at Back in Time.


Kilala ang Progeny bilang isang Filipino live band na sumikat sa viral performances ng classic hits mula dekada ‘80 at ‘90, gayundin sa kanilang mga cover ng mga kantang New Wave.


Ang Hanggang sa Muli at Back in Time ang mga kauna-unahang original songs ng Progeny.


Grateful kami na isa kami sa mga unang nakarinig at nakapanood ng kanilang performance ng dalawang kanta sa kanilang gig sa SuperSam Parqal kamakailan.

Kinabukasan, inawit din ng Progeny ang Hanggang sa Muli at Back in Time sa kanilang espesyal na pagtatanghal sa taunang Oktoberfest na ginanap sa Okada Manila.


Ang Progeny ay binubuo nina David dela Cruz (guitar), Juni Alicante (guitar), Richmond Ramos (drums), Kundel Rosario (keyboard), Jeric Reyes (keyboard), at Gilbert dela Cruz (bass).


Inaabangan na rin ang kanilang show sa Red Rhino sa Greenfield District, Pasig City ngayong Sabado, October 10.


Aktibo ang Progeny sa mga live gigs sa iba’t ibang sikat na restobar at music venue, tulad ng Red Rhino at 19 East.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page