top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Sa wakas, after 5 yrs… RAYVER, NAG-PROPOSE NA NG KASAL KAY JULIE ANNE

Writer: BULGAR
BULGAR
11 minutes ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 25, 2026



TEKA NGA - RAYVER, NAG-PROPOSE NA NG KASAL KAY JULIE ANNE_IG _myjaps.

Photo: IG _myjaps.



At last, naganap na ang pinakahihintay ng lahat na pagpo-propose ng Kapuso actor na si Rayver Cruz sa kanyang GF na si Julie Anne San Jose. 


Five years silang naging magkasintahan, kaya marami ang nagpapayo sa kanila na magpakasal na. Tutal, stable na rin naman ang buhay ni Rayver at kaya na niyang magtaguyod ng sariling pamilya. Pareho na rin naman sila ni Julie Anne na nasa tamang edad upang magpakasal na.


Itinaon ng dancer-aktor ang kanyang pagpo-propose sa kanilang 5th anniversary ng pagiging magkasintahan, kaya walang kaalam-alam si Julie Anne na yayayain na pala siyang magpakasal ni Rayver.


Naroon ang lahat ng kamag-anak at malalapit na kaibigan nilang dalawa. Siyempre, present ang Kuya Rodjun niya at ang misis nitong si Dianne Medina.


Sobrang nagulat at nasorpresa si Julie Anne nang mag-propose sa kanya si Rayver. Naging emosyonal ito at magkahalong saya at excitement ang kanyang naramdaman, sabay tanong ng “Totoo na ba ‘to?”


Well, masayang-masaya naman ang JulieVer fans dahil sa wakas, engaged na ang kanilang mga idolo. 





‘Di raw dapat bigyan ng malisya… 

MIKEE, SUPER LAMBING AT CLINGY SA MGA CLOSE FRIENDS



MAY issue na naman sa Kapuso actress na si Mikee Quintos, kaya may mga nagsusulong sa kanyang force eviction sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Napansin daw kasi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanyang pagiging insensitive nang mag-joke siya tungkol sa mga PWDs (persons with disabilities). 


Inamin naman ni Mikee ang kanyang pagkakamali at nag-sorry din siya sa mga nasaktan niya. Nakalimot siya at hindi niya alam na naka-offend siya sa ginawa niyang pagbibiro.


Humingi rin ang aktres ng tawad sa kanyang mga magulang na nadamay sa kanyang ginawa. Nangako siyang magiging maingat na sa susunod.


Isa pang ginagawang isyu ngayon kay Mikee ay ang kanyang sobrang pagiging sweet at clingy sa mga PBB housemates. Sobra siyang malambing sa mga ito, kaya nabibigyan ng ibang kulay at kahulugan.


Pero dinepensahan siya ng mga kasamahang Kapuso stars. Sey ni Gabbi Garcia, ilang beses silang nagkasama ni Mikee sa ilang shows ng GMA-7 at naramdaman niya ang likas na pagiging malambing nito. Napaka-friendly at sincere raw ng aktres, kaya komportable sa kanya ang kanyang mga co-stars.


Well, ganito rin ang sinabi ni Michael Sager tungkol kay Mikee. Kapag naging kaibigan niya, super-clingy talaga siya kaya hindi dapat lagyan ng malisya. 

Ang pagiging sweet ang love language ni Mikee, mapa-babae o lalaking kaibigan.





SIMULA nang maging artista ay hindi nagse-celebrate ng kaarawan si Sen. Robin Padilla, kaya wala siyang bonggang selebrasyon at tahimik lang na lumilipas ang kanyang kaarawan.


Pero dahil sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez, na nagplano ng isang simpleng selebrasyon para sa 57th birthday ni Sen. Robin, naging espesyal ang lahat.


Dumalo ang ilang malalapit na kaibigan nito na sina Phillip Salvador at Bayani Agbayani. Naroon din ang ilan niyang kapatid.


Sa mga larawang naka-post sa social media, kitang-kita ang kaligayahan ng senador. Thankful siya sa kanyang wifey na nag-effort para bigyan siya ng isang masayang birthday party.


Bumuhos din ang mga pagbati kay Sen. Robin mula sa kanyang mga fans at supporters.





ILANG oras na lang at coronation night na ng 75th Miss Universe, at kasama pa rin ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang PlayTime Entertainment hanggang dulo.


Gaganapin ang finals sa San Juan, Puerto Rico ngayong Martes, Nov. 24. Dito sa Pilipinas, Miyerkules, Nov. 25, 8:00 ng umaga ito mapapanood. 


Target natin ang ika-limang Miss Universe crown kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).


Apat na international pageant-watcher accounts ang naglabas ng final rankings, at laging nasa top five si Bea. 


Pero huwag munang magdiwang. Laging top three ang Venezuela sa lahat ng apat na listahan, at nariyan din ang France, Puerto Rico at Chile. Hula lang ng mga observers ang mga ito, hindi opisyal na resulta, at hindi naglalabas ng scores ng judges ang Miss Universe Organization.


Hinangaan naman ng marami ang National Costume ni Bea na "Diwa ng Kordilyera" na gawa ni Anthony Ramirez bilang pagpupugay sa Kalinga at Mountain Province, kasama ang headpiece ng nakapatong na palayok na hango sa Banga Salidsid.


Panalo rin ang evening gown niyang Golden Seas of Sulu na blue-and-gold na pagpupugay sa Mindanao. At para sa swimsuit, pinuri ng mga Pinoy online ang kumpiyansa niyang rampa.


Live na napanood ng mga Pinoy sa Facebook page ng PlayTime ang National Costume Show at Preliminary Competition, parehong 7:00 ng umaga. Mahigit 3.6 milyon ang views ng National Costume Show, at mahigit 5.5 milyon ang views ng prelims. Kausap din ng PlayTime ang Miss Universe Organization tungkol sa posibleng pagbisita sa Pilipinas ng mananalo.


Hindi magla-livestream ang PlayTime ng coronation, pero mag-aabang ito sa finals kasama ninyo. Ipadama natin kay Bea ang suporta ng buong bansa! Mag-comment, mag-share at mag-cheer, at i-follow ang PlayTime Entertainment Facebook page para sa pinakabagong updates.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page