Papuri ng mga mahal niya, gustong marinig… VICE, GUSTONG MAGPA-EULOGY HABANG BUHAY PA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 25, 2026

Photo IG _praybeytbenjamin
Ibinulgar ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na gusto niyang magpa-eulogy habang nabubuhay pa.
Sa kanilang programa na It’s Showtime (IS), nagbahagi si Vice ng makabuluhang paalala tungkol sa pagpapahayag ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga taong mahalaga sa ating buhay habang may pagkakataon pa.
Ani Vice, mahalagang sabihin at iparamdam natin ang pagmamahal hindi lamang sa ating mga karelasyon, kundi maging sa ating mga magulang, kaibigan at iba pang mahal sa buhay.
Aniya, “Itodo mo na ‘yung love, sabihin mo na ‘yung love, ‘di ba? ‘Di lang sa relationship, ha? Sa lahat, sa nanay mo, sa tatay mo, sa kaibigan mo.
“Kaya nga may sinasabi ako kay Anne. Sabi ko sa kanya, ‘Parang gusto kong magpa-eulogy.’ Sabi naman ni Anne, ‘Bakit ang morbid mo?’
“‘Di kasi, ‘di ba, ‘pag eulogy, ‘pag may namamatay, ‘yung mga malalapit sa ‘yo na tao, pamilya mo, best friend mo, ang dami nilang sinasabing magaganda tungkol sa ‘yo. Naririnig mo pa ba sila? Eh, patay ka na, ‘di mo na sila maririnig. Bakit maghihintay tayo ng eulogy?
“Kasi ‘pag ginagawa natin ‘yun, there is so much love left unspoken. ‘Di ba, ang daming pagmamahal na ‘di nasabi, tapos sasabihin na lang kung kailan patay. Eh, bakit ‘di natin sabihin ‘pag birthday, pangkaraniwang okasyon? Kasi nga, ‘di natin hawak ang bukas. So, dahil ‘di natin alam kung masasabi pa natin ‘to bukas, sabihin na natin ngayon, ‘di ba? I love you and I appreciate you, all of you.”
Well, big tumpak ka r’yan, Meme. ‘Wag nang hintayin ang eulogy bago sabihin ang “I love you.”
Pak, ganern!
Sorry na lang sa mga bashers…
BARBIE: STRONG AKO DAHIL STRONG DIN ANG KAPIT KO KAY GOD
HINDI man maiwasan ng aktres na si Barbie Imperial ang panghuhusga ng ibang tao, nananatili siyang matatag dahil sa kanyang matibay na pananampalataya sa Diyos.
Sa isang panayam, ibinahagi ng aktres na panalangin ang kanyang sandalan tuwing nakararanas siya ng pambabatikos at panghuhusga mula sa ibang tao.
Sey pa niya, hindi niya nakakalimutang manalangin, lalo na kapag nag-iisa siya sa kanyang kuwarto.
Ani Barbie, “I think I’m strong because strong din ‘yung kapit ko kay God. Even if dyina-judge ako ng mga tao—ang daming nandya-judge sa ‘kin. At the end of the day, I pray. ‘Pag ako na lang ang mag-isa sa kuwarto, I pray.
“Every day, ganu’n and every day, kinakaya ko naman, so I really believe in God.”
Tamah, Barbie! Hindi lahat ng sinasabi ng ibang tao ay kailangang dibdibin.
NAGBAHAGI ang TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla ng larawan sa kanyang social media account bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-57 kaarawan ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla.
Kalakip ng larawan ang isang birthday message ni Mariel na punumpuno ng pagmamahal at pasasalamat para sa kanyang mister.
Ani Mariel, “Happiest birthday, my babe! Thank you for letting me do this for you because you deserve to be celebrated! We are all so grateful for you and for all the love you give us. May God continue to bless your pure heart. We love you so much! Robin Padilla.”
Well, another year of love and blessings para kay Sen. Robin.
IBINAHAGI ng singer-actress na si Alyssa Muhlach ang kilig at pag-aalinlangan sa pag-ibig sa kanyang bagong single na Maaari Ba.
Isinulat ni Alyssa at ipinrodyus ni Jovel Rivera, ang indie-pop song ay may relatable na mensahe tungkol sa pagkakaroon ng crush na puno ng mixed signals at ang pagiging handa na buksan ang puso para sa pag-ibig.
Unang sumabak sa music scene ang Tarsier Records artist noong 2024 sa pamamagitan ng debut single na Paalam, isang R&B song tungkol sa pagiging independent.
Bukod sa musika, nakilala rin si Alyssa bilang Reina Hispanoamericana Filipinas noong 2018. Pinasok din niya ang pag-arte at napanood sa mga seryeng It’s Okay to Not Be Okay, 2 Good 2 Be True, at Will You Fake Marry Me, at mga pelikulang My Love Will Make You Disappear at Clarita.
Napapakinggan na ang Maaari Ba ni Alyssa Muhlach sa lahat ng music streaming platforms.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments