top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 7, 2025



Photo: Andrea Brillantes - Circulated


Na-hulicam si Andrea Brillantes at ang basketball player na si Sam Fernandez na magka-holding hands habang naglalakad, though wala pang kumpirmasyon sa dalawang personalidad na sila ay in a relationship na. 


Ayon sa TikTok account ni @imlovely_08, “Andrea Brillantes at Sam Fernandez, spotted na holding hands while walking.”


Agad na nag-viral ang nasabing larawan nina Andrea at Sam.

Komento ng mga netizens:


“It’s her life though, I hope Sam is kind and gentle enough to understand our girl. Relationship is all about kindness, care, understanding, and communication.”


“I’m happy for Blythe. Sana alagaan s’ya ng Sam na ‘yan.”


"Mas preferred ko na best friends sila ni Kyle Echarri, ayaw kong maging sila tapos maghiwalay, and then ‘di na mag-best friend.”


“Hahahaha! I’m happy that you are happy. You deserve that real love. That gentle kind of love. You have all the rights in the world to love and be loved.”


 

Ikinumpara kay Nadine…

SIGAW NG NETIZENS: ATASHA, FRESH, WALANG RETOKE, EDUKADA


NAG-COLLAB sa isang endorsement sina Nadine Lustre at Atasha Muhlach. Sa Siquijor ginanap ang shoot para sa dalawang aktres. S’yempre pa, ang dami na namang hanash ang naglabasan kung saan pinagkumpara ang dalawang magandang aktres.

Ani ng mga netizens: 


“Mas sexy at natural beauty si Nadine kahit saang anggulo.”


“That’s a great picture & both ladies are beautiful.”


“For me, Atasha pa rin, gusto ko kasi si Atasha, fresh, bagong mukha sa TV at higit sa lahat, hindi pa nagkakaroon ng boyfriend at ito pa, nag-aaral ng college abroad, kaya Atasha pa rin. Fresh, napaka-simple na babae, simpleng manamit at higit sa lahat, hindi makapal mag-makeup, simple lang talaga si Atasha.”


“Sobrang ganda ni Atasha at batambata talaga! I like her very much. Pang-beauty contest talaga ang beauty n’ya. Kuha talaga n’ya ang mga angkan ng mga Muhlach.”


“Ang ganda ni Tash, nagtapos muna ng kolehiyo bago pumasok sa showbiz. Amazing person.”


“Atasha has a pretty face that gets prettier as you watch her and well-proportioned physique, nice skin color. She is a total package - beauty & brain, bubbly personality, well-educated, sexy, multi-talented, and decently raised with family values by her famous parents. She is the kind of girl every mother would want to have as a daughter-in-law. Not the rebellious kind.”


“Mas maganda si Atasha at mas bata at walang retoke.”


“To me, this is a perfect endorser that kids can admire. Kasi normally, what their idols do can really influence the youth, kids, and teenagers. If they see their idol endorsing gambling, I don’t think it’s justifiable as a role model for the youth.”


“Wow idol, mas maganda si Atasha.”


“Congratulations Nadine and Atasha, you’re both beautiful.”


Apela naman ng isa, “‘Wag n’yo nang pagsabungin sina Atasha at Nadine, pareho silang maganda, iba-ibang level ang kanilang ganda. Nadine, lakas appeal; Atasha, maganda unang tingin…”


 

IBINIDA ni Sharon Cuneta sa Instagram ang pasalubong sa kanya ng anak na si KC Concepcion na galing sa States. Along with the gifts was a beautiful handwritten letter from KC as well.


Ang pasalubong ni KC ay isang light pink pouch with a pearly letter ‘S’ in the middle, na base sa name ng singer.


“@kristinaconcepcion’s pasalubong from the States. PINK and pearly just for Mama! Thanks again, baby! I love you!” ani Megastar sa panganay na anak. 


Mas nakaagaw naman ng pansin ng mga netizens ang pair of earrings at necklace na regalo ni KC sa ina at ang nakasulat sa letter na: “Dearest mom, your love is the signature that marks my life in the most precious way.” 


Na-touched si Sharon sa gesture ng anak.


Aniya, “Baby #1, my eldest @kristinaconcepcion just sent me these and they are beautiful. More beautiful though, are her words. Thank you from the bottom of my heart, Toot! I love you.”


Natuwa naman ang isang netizen dahil muling naging close ang mag-ina, “So sweet naman ni Ate Tina, happy to see you guys being this close again.”

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 6, 2025



Photo: Barbie Hsu - Instagram


Hinati na umano ang nakakalulang halaga ng assets ng yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa kanyang asawa at dalawang anak.


Divided naman daw equally ang mga yamang naiwan ni Barbie Hsu na nagkakahalaga ng 600,000,000 yuan o katumbas ng P4.7 bilyon. 


Kaya lang, dahil pareho pang minor ang kanyang dalawang anak na edad 8 at 10, ang share ng mga ito ay pamamahalaan ng ex-husband ni Barbie na si Wang Xiaofei na totoong ama ng mga bata.


 

PROUD si Khalil Ramos, ang male lead actor ng musical stage theater na Liwanag Sa Dilim (LSD), na kantahin ang mga songs ni Rico Blanco sa teatro.  


Ang LSD ay pitong taon daw na pinaghandaan at magpi-feature ng mga kanta ng OPM icon na si Rico Blanco, which Khalil admitted he loves kahit pa very challenging daw para sa kanya na i-perform ang mga ito onstage.


“Definitely Himala was the most challenging. I think Himala is one of his greatest songs. I think primarily because Bamboo was the lead singer of Rivermaya before pa, so they wrote the songs in his range. It’s just so freaking high (laughs). Pero kaya naman with enough practice, kakayanin naman. It’s really that because there are a lot of vowels that are really big. It’s tiring but it’s very rewarding to be able to sing that song,” pag-amin ng boyfriend ni Gabbi Garcia.  


Bumisita sa rehearsal ng play si Blanco. Nanghinayang si Khalil dahil wala siya nu’ng dumating ang OPM icon singer.  


“I wasn’t here the day Rico Blanco came to rehearsals. But I have met Rico a couple of times before. I remember the first time was during Daniel Padilla’s concert where we were both guests. So I was able to chat with him backstage. 


“The song that we actually sang then was Liwanag Sa Dilim. That was the very first time I met Rico. Since then, I haven’t talked to him about the project yet. But he’s always been such an inspiration to a lot of people including me.”


Pinuri ni Khalil ang mga kanta ni Rico na “genius” habang “incredible” naman ang paglalarawan niya sa singer.  


“Grabe, sobrang galing n’yang magsulat ng kanta. So galing talaga. So I’m excited for him to see it,” wika ng actor.  


Ayon kay Khalil, ang 2025 umano ang lucky year niya. Kasali siya sa CinePanalo Film Festival’s entry na Olsen’s Day na idinirek ni JP Habac.


“The other one is a Netflix Original film coming out in the second or third quarter of the year, I’m not sure when exactly. It’s directed by Direk Marla Ancheta. She was the director of Dollhouse. I am co-starring with Sue Ramirez. The production name is Lucid Dreams. That’s what I have going on aside from this,” pagbabahagi pa niya.


 

MAY kani-kanyang manok na ang mga celebrities na ipinu-push para makapasok sa Top 12 senators ngayong May elections. 


Ang talent manager at batikang manunulat-cum vlogger na si Ogie Diaz, bilib kay Bam Aquino na dati na ring senador kaya wala siyang agam-agam na sabihin sa kanyang YouTube (YT) channel na Showbiz Update (SU) na may napili na siyang isusulat na senador sa kanyang balota.


Aniya, “Heto, hindi ako magbabanggit ng twelve. Basta ‘yung ilan sa kanila, ‘yung iba kasi understood na. Si Bam Aquino, si Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza, ang dating COA commissioner.” 


Sumang-ayon naman sa kanyang mga napili ang mga co-hosts na sina Mama Loi Villarama at Tita Jegs. 


Isa lang si Ogie sa mga celebrities na open sa pag-eendorso ng pinaniniwalaan niyang kandidato, habang ang ibang artista, ingat na ingat para hindi ma-bash at maapektuhan ang kanilang career.  


Paalala pa ni Ogie Diaz, maging wise umano sa pagboto. Alaming mabuti kung ang napili ba nilang mga mambabatas ay may kakayahang tumulong sa kapwa at makagawa ng batas na kapaki-pakinabang sa ating bansa. 


Siguraduhin daw na ang kanilang iboboto ay hindi mga trapo at nangungurakot ng kaban ng bayan. 


Tanong tuloy ng mga netizens, “Hindi ba niya isasama sa kanyang balota ang mga kapwa niya nasa industriya?”

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 4, 2025



Photo: Shan Cai - Barbie Hsu / IG


Nabigla ang marami sa pagkalat ng balita tungkol sa pagpanaw ng Taiwanese superstar na si Barbie Hsu kahapon.  


Si Barbie ay naging iconic sa mga Pinoy dahil sa pagganap niya bilang si Shan Cai sa megahit series na Meteor Garden (MG) noong early 2000.  


Pumanaw sa edad na 48 ang aktres habang nasa kalagitnaan ng trip sa Japan dahil sa flu-related pneumonia.  


Sabi ng kapatid ni Barbie na si Dee Hsu, “Thankful to have been her sister in this life. I will always miss her.”  


Kabilang sa mga nabigla at nalungkot ay ang It’s Showtime (IS) host na si Kim Chiu. Sa kanyang X (dating Twitter) account, nag-post si Kim ng kanyang pagkalungkot sa pagpanaw ni Barbie.  


Post ni Kim sa X:  


“OMG!!!!!! (shocked emoji). Naalala ko after school, magmamadali ako umuwi para mapanood lang ang Meteor Garden. ‘Pag ‘di ko na maabutan, makikinood ako sa karinderya sa labas ng school namin. OMG!!!! I love you, San Chai!!!! May you rest in peace! Thank you sa makulay naming childhood. Pigtail braids!”  


Maraming netizens ang naka-relate kay Kim sa kanyang mensahe. 


Sey nila: “Our original queen (crown emoji) of Asian drama, rest in peace (dove emoji) Shancai!! Thank you for making our childhood unforgettable teenage memories. Noon, galing school, nagmamadali umuwi para makapanood Meteor Garden tuwing hapon!

Pinakasikat na Asian drama sa Pilipinas noon (teary-eyed emoji).”  


“Same! Nagmamadali kami umuwi galing school (elementary days), tapos after ng episode, labasan kami magpipinsan sa kani-kanyang bahay, magkukuwentuhan sa nangyari tapos kilig na kilig kami. Those were the days! Nakaka-miss. RIP, Shancai! (white heart emoji).”  

“Relate, girlie! Bumili pa ako ng posters at first-ever Song Hits ko dahil sa Meteor Garden OST at F4 songs. RIP OG FL Shan Cai.”  


“Same, Kimmy! Jusko, baliw ako sa Meteor Garden dati. Taped kami manood para dire-diretso, walang tulugan. Nakaka-sad naman. RIP, Shan Cai (cry and pray emoji).”  


Naalerto naman ang ilang netizens sa klase ng sakit na nakuha ni Barbie Hsu at kumitil sa kanyang buhay.  


Ani ng netizen, “Grabe, is it an isolated case? O ano na namang flu meron d’yan sa region na ‘yan?”  


Hala!


 

Ex-GF, 11 yrs. na raw nagpauto, eto na naman…

DANIEL AT KATHRYN, NAG-UUSAP NA ULI


Good news para sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pumutok ang balitang nag-uusap na muli ang ex-on-and-off-screen partners pagkatapos ng mahigit isang taong paghihiwalay.  


Ibinulgar ni Cristy Fermin sa kanyang radio show sa Radyo Singko ng TV5 kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez na nagkakausap na muli sina Kathryn at Daniel.  


Ayon kay Tita Cristy, “Meron po kaming mga impormanteng hindi nanununog at nangunguryente na nagpaabot sa ‘min ng impormasyon na nag-uusap na raw po ngayon si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.  


“Pero ito po ay puwedeng i-deny ni Daniel at ni Kathryn, at puwede rin naman po nilang panindigan kung totoong naganap ito.” 


Nagbigay din ng clue si Tita Cristy kung sino ang kanyang source na lalong nagpatibay sa balitang nag-uusap na ang ex-lovers.  


“Ang bridge, hindi po namin babanggitin ang pangalan ng best friend ni Kathryn Bernardo na malapit kay Daniel Padilla, pero s’ya pala ang nag-uugnay sa dalawa,” pagri-reveal ni Tita Cristy.  


Sa pagkakaalam namin, ang komedyanteng si Alora Sasam ang best friend ni Kathryn sa showbiz, gayundin si Ria Atayde, kung saan kinuha niya si Kathryn bilang abay sa kasal nila ni Zanjoe Marudo at, recently, ninang ng firstborn nila na si Sabino.  


For sure, may iba pang source si Tita Cristy na tinutukoy niyang best friend ni Kathryn at malapit kay Daniel sa parehong panahon.  


Ang importante, nagkaroon ng slim chance ang KathNiel fans na posible pa ring magtambal sa pelikula at telebisyon ang kanilang mga idolo, kung hindi man magkatuluyan sa totoong buhay.  


Sey naman ng mga netizens, “Not a BIG deal. I don’t see anything wrong if they remain civil. Si Kathryn pa, na mabait na tao.”  


“Mabait pero madaling mautu-uto ni Daniel. Kaya umabot ng 11 years kasi marupok kay Daniel. That’s love. Love is blind, ‘ika nga. Desisyon niya kung magpauto ulit.”  

“Oh, ano? Good news ‘yan para sa ‘kin? Ewan ko lang sa iba (peace emoji).”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page