After layasan ng misis at mga anak... ALWYN, IPINAGSIGAWANG MAHAL NA MAHAL SI JENNICA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 13, 2021

Finally, may post na si Alwyn Uytingco sa kanyang Instagram nitong Biyernes nang gabi ng larawan ng asawang si Jennica Garcia-Uytingco na may hawak na bouquet of roses and sunflowers.
Ang caption ni Alwyn, “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at 'wag na 'wag mong kakalimutan... mahal na mahal kita. @jennicauytingco.”
Matatandaang early 2021 ay nag-post na si Jennica na nagtatanong kung paano baguhin ang kanyang username sa IG, bagay na ikinataka ng kanyang mga followers hanggang sa sunud-sunod na ang mga posts ng aktres ng mga mensaheng nagpapahiwatig na hiwalay na sila ni Alwyn.
At nakumpirma na ito nang i-post niya ang sulat para sa mga anak na sina Athena Mori at Alessi na sa paglaki nila ay maiintindihan nila ang lahat.
Nabanggit na rin ni Jennica na magkakaroon siya ng live selling para sa mga gamit nila dahil gusto na nitong magpalit ng mga gamit at ayaw na niyang maalala pa ang lahat ng ipinundar nilang mag-asawa.
Taong 2014 ikinasal sina Alwyn at Jennica at pagkalipas ng pitong taon ay naghiwalay sila na labis na ikinalungkot ng kanilang mga supporters.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nasa 18K plus na ang nag-like sa post na ito ni Alwyn at 1,415 comments naman na halos lahat ay heart emoji.
Komento ni @jenesis24_2016, “Sana, masabi mo sa kanya nang personal. I can still recall your testimony/lovestory in 700 Club Asia. Maaayos n’yo 'yan with God's help.”
Sagot naman ni @reylanfuertes, “@jenesis24_2016 Baka nasabi na niya 'yan sa personal, may pabulaklak na nga.”
Say din ni @chrlnsplaybook, “Aww.. Kayo po ang power couple ko! Sobrang daming beses ko na um-attend ng mga talks ni Ms. Jennica and lagi kayong nandoon kaya sabi ko, goals kayong dalawa. Kaya na-sad ako sa mga posts before. I am happy to see Ma'am Jennica on your feed again.”
Umaasa naman si @haney_babes na magkakabalikan ang dalawa, “Wow, thank God! Sana, magkabalikan na nga kayo, alang-alang sa mga magagandang bata na regalo sa inyo ng Diyos. Sa pagtanda n'yo, sila ang totoong kayamanan n'yo, kaya pagkaingatan mo sila. Napakaganda ng pamilya n'yo, lalo pa't may nanay silang magaling mag-alaga at isang huwarang asawa at ina.”
Sa kasalukuyan ay balik-showbiz na si Jennica at kasama siya sa serye ng GMA-7 na Las Hermanas.





Comments