top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

After ibulgar na may kabit ang misis… ALJUR, BUMALIK SA BAHAY NI KYLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 31, 2021





Naku, ha? May balikan pa nga kayang magaganap kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica?


Sa recent interview kasi kay Aljur ng TV host-writer na si kapatid na Jobert Sucaldito, nabanggit ng aktor na pagkatapos ng panayam ni Kylie sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nagpunta pa pala siya sa bahay ng nakahiwalay na misis para sunduin at makasama ang kanilang dalawang anak na lalaki.


Sinabi rin niyang constant ang communication nila ni Kylie, para na rin siguro sa co-parenting nila.


At 'di ba, panay ang kanta ngayon ni Aljur ng Still Loving You ng Scorpions na tipong gustong ipagsigawan na si Kylie pa rin ang mahal niya?


Eh, paano na nga ang 'nililigawan' niyang si AJ Raval, nag-viral pa naman ang photos ng kanilang holding hands sa mall?


Ibig bang sabihin, hiwalay na agad sila?


Hmmm… teka, sino kaya ang natauhan, si Aljur o si AJ?


At teka uli, paano pa muling tatanggapin ni Kylie si Aljur kung may bago na ngang nagpapasaya ngayon sa aktres?


'Yan ay kung totoo na bago niyang dyowa 'yung lalaking kasama niyang naglalakad du'n sa isang post niya habang tila nag-o-overlooking sila at tinanaw ang papalubog na araw.


Well, abangan na lang natin ang mga susunod na development sa most controversial breakup ngayong 2021.


Pero in fairness, ang dami pa ring netizens ang pabor na magkabalikan sila sa kabila ng lahat ng nangyari, ha?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page