top of page
Search
  • BULGAR

After dalawin si Kim sa It's Showtime… MICHELLE, IN-UNFOLLOW ANG NAKA-DATE NA ABOGADO

ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 19, 2024




In-unfollow umano ni Michelle Dee si Oliver Moeller, ang napili niyang maka-date nang sumalang siya sa EXpecially For You segment ng It's Showtime last April 6.


Maging ang picture nilang dalawa na magkasama ay binura na rin ni Michelle sa kanyang IG (Instagram) account.  


Espekulasyon ng mga netizens, dahil daw siguro dumalaw si Atty. Oliver kay Kim Chiu nitong nakaraang araw. Nasa audience kasi ng It's Showtime ang abogado last Tuesday. 


Komento ng mga netizens… 


"He's a good looking guy but I don't like him for Kim as well. Mukhang clout chaser na pasimple. I want a guy na medyo private for Kim. 'Yung hindi ma-social media."


"Hindi sila nag-jive."


"We all know na it was for a show lang, ang usap-usapan is biglaan dahil nag-backout 'yung originally na dapat nasa upuan niya. Kung follower ka ni MMD (Miss Universe Michelle Dee) dapat alam mo kung sino talaga ang love niya, hahaha!"


"She found out he likes Kim better than her."


May mga komento namang tila inis kay Michelle. 


"Feel na feel talaga niya, 'noh? Feeling reigning queen. Cringe 'yung galaw niya, napaka- unnatural! Especially nu'ng sinundo niya 'yung MU Thailand Antonia sa NAIA airport. Ayaw pakabog sa press.. feeling reigning queen."


"Same. Masyado siyang over sa galawan, 'yung parang kabogin ka lang pero 'di kabogera. Never understood the hype around her."


Pagtatanggol naman ng isang netizen kay Michelle, "She is still the reigning Miss Universe Philippines. So technically, may karapatan siyang mag-feeling na reigning queen."


May pumuna rin sa abogadong si Oliver. 


"Dasurv naman. 'Di ko gets hype sa lalaking 'yan. Halatang gusto lang maging sikat at the expense of the women in showbiz like Michelle and Kim."


"Clout chaser din kasi ‘tong si guy, kay Kim naman gustong dumikit ngayon."


"Red flag sa akin 'yung guy. Halatang gustong mag-artista."


"Pero active liker sa IG ni MMD and comment nang comment sa bikini pics niya?


Deleted na rin ni Michelle 'yung comments."


"Inamin naman ni kuya recently na balak niyang pumasok sa showbiz. So, si Kim naman ngayon ang target. Malay mo nga naman, kagatin ng madla, eh, di fast track na ang career."


"Never ko bet beauty ni Michelle, parang lagi kong hinahanap. Pero ang mom niya, si Melanie (Marquez), talagang maganda kahit na matanda na."


"Matalino talaga si MMD, she knows kung ano ang intention ng tao. Sana si Kim din, lumakas ang pang-amoy."


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page