After 16 yrs… MARC PINGRIS, NAGRETIRO NA SA PBA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 27, 2021

Gustung-gusto pa sanang maglaro ni Marc Pingris sa Magnolia Hotshots sa nakaraang PBA bubble season 2020 na in-schedule nang late dahil sa COVID-19 pandemic, pero hindi nangyari dahil nagkaroon siya ng injury bukod pa sa nag-expire na rin ang kontrata niya nu’ng Disyembre 2020.
At dahil malabo na ring makabalik sa normal ang PBA kung saan umaapaw sa tao ang Araneta Coliseum ay duda naming ito ang dahilan kung bakit nagretiro na si Marc pagkalipas ng 16 years.
Inanunsiyo ng asawa ni Danica Sotto-Pingris ang pagreretiro niya sa kanyang Instagram account kung saan nag-post siya ng video kung paano siya nagsimula at natupad ang pangarap niya bilang PBA player.
Aniya, “@jeanmarc15 #pinoysakuragi15signingoff.
“I remember my name being called during the 2004 PBA Draft. Doon nagsimulang matupad ang pangarap ng isang batang palengke. 16 years na din ako sa PBA pero alam ko na ngayon na din ang tamang panahon para umpisahan ang bagong chapter ng buhay ko.”
At isa-isang pinasalamatan ni Marc ang lahat ng taong naging bahagi ng journey niya bilang manlalaro ng basketball.
“I want to thank everyone na naniwala at sumuporta sa 'kin, sa MAMA ko na inspiration ko, sa ATE & KUYA ko na nagdisiplina sa 'kin, at lahat ng relatives ko.
“Thank you to Mayor MORDEN, boss JESSIE CHUA who recruited me. Thank you sa AIR21 for drafting and trusting me, thank you Boss Bert Lina.
“Salamat sa COACHES na nag-guide sa 'kin - coaches coach Boyz Zamar, Johnny Tam, Leo Austria, Siot Tanquincen, Ryan Gregorio, Chot Reyes, Jorge Gallent, Jason Webb, & Chito Victolero at asst coaches. To all my TEAMMATES Thank you! Appreciate you all!
“Thank you sa SMC, BOSS DANDING, BOSS RAMON ANG, BOSS ALFRANCIS, BOSS ALEJO, GOV PARDO, BOSS CAP at sa muse ng Purefoods si Ma'm REENA. Thank you sa lahat ng BALL BOYS kay DOC RAFFY, NICK, RC, JOJO.
“COACH TIM, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grand slam. I am proud to have played the game we both love with you.
“Thank you Tito ED PONCEJA na tumayong pangalawang ama ko. Salamat sa mga payo. “GILAS family, thank you!
“PBA FANS, salamat sa suporta n'yo. Hindi mabubuo ang PBA kung wala kayo. Mami-miss ko ang games, ang mga sigaw n'yo, lalo na sa Manila Clasico!!!
“To all MEDIA, thank you sa pagbuhos ng oras para mahatid ang balitang PBA. “Sa TROPANG PINGRIS, Mahal ko kayo!
“To MIC & CAELA, I love you! Everything I do is for you. To my SOTTO family, I love you all! To DADDY VIC and MOMMY D, salamat sa suporta, pagmamahal at pagtanggap sa 'kin. To Papi and Mamita, my PINGRIS fam. Thank you for your love and support.
“To my wife, Danica, thank you for your love. Thank you for all the sacrifices you made for me & our family. Thank you for staying beside me, for pushing me to work harder & never give up. I love you!
“Higit sa lahat, Salamat Lord God sa paggabay at sa lahat ng blessings.
“It has been a glorious 16 years, #pinoysakuragi15signingoff.”
Sa post naman ni Danica sa kanyang IG account ay inamin niya na kapag may laro si Marc ay hindi sila nag-uusap totally.
Ipinost ni Danica ang larawang nakayakap siya sa asawa.
“Every time Marc has a game, especially an important one, ‘yung tipong mga do or die games… 'di mo makakausap 'yan! He’s quiet and not his usual kulit self. Naka-focus talaga sa game. Minsan ilang araw pa. I give him his space kasi nag-iisip talaga ‘yan nang malalim. But once the game is over… he will always look for me and the kids in the crowd so he can hug us and say he loves us.”
At 'pag yumakap na raw ang asawa pagkatapos ng laro, “'Pag ganyan na siya sa akin, it means mission accomplished na siya. Nanalo na team nila, para sa family namin o kaya para sa bayan.”
Perfect partnership talaga sina Marc at Danica kaya 'di nakakapagtaka na tumagal ang relasyon nila.





Comments