Adiwang, nakaabang kina Hiroba at Bokang
ni MC - @Sports | July 4, 2022

Magmamasid si Lito Adiwang sa strawweight matchup sa pagitan ng top contenders na sina Hiroba Minowa at Bokang Masunyane sa ONE 159: De Ridder vs. Bigdash sa Hulyo 22 na ibo- broadcast ng live mula sa Singapore Indoor Stadium.
Si Masunyane ang #2-ranked contender sa stacked strawweight division habang si Minowa ang #3-ranked fighter na higit ang rekord na naitala kaysa kay Adiwang.
Minsan nang nakaharap ni Minowa sa ONE Championship debut ang Pinoy at kontrobersiyal ang kanilang split decision victory sa ONE: Inside the Matrix III sa Nob. 2020. Napigilan ni “Thunder Kid” si Kimura sa kalagitnaan ng first round pero nag-tapped out siya kay Minowa.
Sa una nilang match ending na halos gahibla ang pagtatapos, nais ni Adiwang na makuha ni Minowa ang panalo sa laban kontra Masunyame para magkaroon sila ng tsansa ng Japanese grappler na magkitang muli sa Circle.
“If given a chance in facing one of them, I want to face the winner of their match and I’m really hoping that Minowa will win this one so that we will dance one more time and I can clear my record especially since he got a controversial win over me.”
Pabor si Adiwang na magwagi si Masunyane dahil ang South African ay may mas mahusay na wrestling game kaysa kay Minowa. Pero kung ang hiling niya ay matupad, umaasa siyang si Minowa ang manalo at aabangan niya ang rematch nilang dalawa.





Comments