top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

7 yrs. pagkakakulong at P500-K multa sa magkakalat ng sex video nila ng partner

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2020
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 5, 2020



Dear Chief Acosta,


Ikinalat ng ex-BF ko sa internet ang aming sex video dahil hindi ako nakipagbalikan sa kanya sa kabila ng kanyang pamimilit. Alam ko naman noong kinuhanan niya kami gamit ang kanyang cellphone noong kami ay nasa condo niya kaya wala na akong nagawa. Ngunit gusto ko siyang panagutin sa pambabastos sa aking pagkababae. – Ditas


Dear Ditas,


Bagama’t may pahintulot ninyo ang pag-record ng nasabing video, maaari pa rin ninyong papanagutin ang inyong dating nobyo dahil ito ay paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 9995, o ang An Act Defining And Penalizing The Crime Of Photo And Video Voyeurism, Prescribing Penalties Therefor, And For Other Purposes. Isinasaalang-alang ng batas ang dignidad at pribadong buhay ng bawat mamamayan at ang paggalang sa karapatang-pantao. Ang kahulugan ng photo and video voyeurism ay binigyang-linaw sa Seksiyon 3(d) ng nasabing batas, viz:


“(d) “Photo or video voyeurism” means the act of taking photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or of capturing an image of the private area of a person or persons without the latter's consent, under circumstances in which such person/s has/have a reasonable expectation of privacy, or the act of selling, copying, reproducing, broadcasting, sharing, showing or exhibiting the photo or video coverage or recordings of such sexual act or similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and similar means or device without the written consent of the person/s involved, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of same was given by such person’s.” [sic]

Malinaw dito na nilalabag ng sinuman ang nabanggit na batas sa pagkuha ng larawan o video ng pagtatalik sa pagkakataong ang mga taong kinukuhanan ay umaasang ang kanilang sagradong gawain ay mananatiling pribado. Ang pagkakalat sa internet ng inyong video, may kapalit mang salapi o wala, nang walang kasulatan ng pahintulot mula sa inyo ay ipinagbabawal din, sa kabila ng pagpayag ninyo noong panahong ito ay kinuhanan.


Maaaring makulong ang inyong nobyo nang hindi bababa sa tatlong (3) taon hanggang hindi hihigit sa pitong (7) taon kung mapatunayan ang kanyang paglabag. Bukod dito, may multa rin na hindi bababa sa P100,000 hanggang hindi lalagpas sa limandaang libong piso P500,000, o parehong pagkakakulong at multa, depende sa desisyon ng korte. (Seksiyon 5, R.A. No. 9995)


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page