7 batalyong pulis daw ang aaresto kay ex-P-Duterte, OA na ‘yan!
- BULGAR
- Mar 11
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 11, 2025

‘SUNTOK SA BUWAN’ ANG PANGARAP NI PBBM NA MANALO ANG LAHAT NG “MANOK” NIYA SA PAGKA-SENADOR – ‘Suntok sa buwan’ o imposibleng mangyari ang nais ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na manalo ang lahat ng 12 kandidato niya sa pagka-senador kasi napakataas ng rating ni reelectionist Sen. Bong Go, na sa online survey ng Archlight Facebook page ay nag no. 1 siya at sa mga survey ng SWS, Pulse Asia, Publicus, OCTA, Tangere at iba pang survey firms ay naglalaro siya sa rank 2, 3 at 4. Ibig sabihin, sure win si Sen. Bong Go.
Ang nais nating ipunto rito ay dapat kalimutan na ni PBBM ang pangarap niyang 12-0 na pabor sa kanyang mga kandidato dahil “suntok sa buwan” talaga ‘yan, period!
XXX
7K PULIS O 7 BATALYONG PULIS ANG AARESTO KAY EX-P-DUTERTE? OVERACTING NA ‘YAN! -- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na sakaling may inilabas nang warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay ex-P-Duterte ay 7,000 pulis daw ang itatalaga nila na aasiste sa International Police Commission (Interpol) sa gagawing pag-aresto sa dating presidente.
Pambihira naman, masyadong overacting ‘yang gagawin ng PNP kasi mantakin n’yo na ke-tanda-tanda at mahina na nga ang ex-president, tapos 7 batalyong pulis pa ang aasiste sa Interpol sa pag-aresto kay ex-P-Duterte, tsk!
XXX
MANDATO NG VICE PRESIDENT NA HUMALILI SA PRESIDENTE, KAYA HANGGA’T NASA PUWESTO SI VP SARA PUWEDENG SA ISANG IGLAP MAGING PRESIDENTE SIYA -- Ang mandato ng vice president ay humalili sa presidente kapag ang pangulo ay sumakabilang-buhay, nagkasakit at hindi na kayang manungkulan o kaya kapag napatalsik sa puwesto.
Ang nais nating ipunto rito, hangga’t nasa puwesto si Vice President Sara Duterte-Carpio ay may pagkakataon talaga na sa isang iglap, puwede siyang maging presidente, at kapag nangyari ‘yan, asahan na maraming pulitiko at police generals ang malilintikan, abangan!
XXX
SABI NI VP SARA AYAW NA RAW NIYA MAG-ENDORSO NG KANDIDATO PERO MAYA’T MAYA MAY LUMALABAS NA TV ADS NA INEENDORSO NIYA SI SEN. DELA ROSA -- Minsan ay nakakalito ang mga binibitiwang statement ni VP Sara.
Sabi kasi niya sa harap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ay ayaw na raw niyang mag-endorso ng kandidato kasi baka mabudol na naman daw siya tulad ng ginawa sa kanya ni PBBM na inendorso niya ang kandidatura noon sa pagka-presidente.
Nasabi nating nakakalito ang mga statement ni VP Sara dahil ayaw na raw niyang mag-endorso ng kandidato pero sa telebisyon ay maya’t maya na lumalabas ang political ads na ineendorso niya ang kandidatura ni reelectionist Sen. Ronald Dela Rosa, boom!
Comments