top of page

5% diskwento sa kuryente at tubig para sa senior citizens

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 22, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Bilang isang senior citizen, nais ko lamang pong malaman kung may discount din po ba akong magagamit sa pagbabayad ng aking kuryente. Salamat po sa iyong magiging kasagutan. — Lola Liberata





Dear Lola Liberata,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4 (c) ng Republic Act (R.A.) No. 7432, na inamyendahan ng Republic Act No. 9994, o mas kilala sa tawag na “Expanded Senior Citizens Act of 2010,” na nagsasaad na:


"SEC. 4. Privileges for the Senior Citizens. -

The senior citizens shall be entitled to the following: 


(c) the grant of a minimum of five percent (5%) discount relative to the monthly utilization of water and electricity supplied by the public utilities: Provided, That the individual meters for the foregoing utilities are registered in the name of the senior citizen residing therein: Provided, further, That the monthly consumption does not exceed one hundred kilowatt hours (100 kWh) of electricity and thirty cubic meters (30 m3) of water: Provided, furthermore, That the privilege is granted per household regardless of the number of senior citizens residing therein;”


Bilang kasagutan sa iyong katanungan at ayon na rin sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga senior citizens ay binibigyan ng minimum na limang porsyento (5%) na diskwento kaugnay ng buwanang paggamit ng tubig at kuryente na ibinibigay ng mga public utilities. May kondisyon lamang na ang mga indibidwal na metro para sa mga nabanggit na kagamitan ay nakarehistro sa pangalan ng senior citizen na naninirahan sa bahay kung saan ito nakakabit at ang buwanang konsumo ay hindi hihigit sa isang daang kilowatt hours (100 kWh) ng kuryente at tatlumpung metro kubiko (30 m3) ng tubig. Nais din namin ipaalam na ang nabanggit na pribilehiyo ay ipagkakaloob sa bawat sambahayan anuman ang bilang ng mga senior citizens na naninirahan doon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page