48 at 23 yrs. old, nagkainlaban, magdyowa na… RICO KAY MARIS: LOVE YOU!
- BULGAR
- Mar 18, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 18, 2021

Trending ang pagbati ni Maris Racal ng ‘happy birthday’ sa singer-composer na si Rico Blanco nitong Miyerkules nang hapon sa post niyang black and white photo at duet nilang kumakanta ng Brighter than Sunshine na sinagot naman ng ‘love you’ ng Rivermaya frontman.
Sinilip din namin ang YouTube channel ni Rico kung saan may duet sila ni Maris ng Abot Langit noon pang 2019 na ang daming nag-comment na bagay sila at may chemistry.
Naging malapit ang dalawa nang bigyan ni Rico si Maris ng tips sa pagsusulat ng kanta.
“Mayroon din akong ipinarinig sa kanya na I’m sure na sa taste niya, magugustuhan niya and then sabi niya, ‘yung advice niya sa 'kin sa age ko, ‘Huwag ka munang dumiretso roon. Doon ka muna sa sweet, pop, catchy song, and then i-maintain mo lang siya until you can do your thing na which is ‘yung artsy kind of songs.' So ‘yun ‘yung advice niya sa akin,” kuwento noon ni Maris sa panayam niya.
Anyway, sa video post ng dalaga na kumakanta sila ni Rico ay tila kinumpirma na ng mga kasamahan nila sa industriya na ‘sila na’.
Ang caption ni Maris (na by the way ay 23 yrs. old lang) sa post niya, “Hi, Rico. Happy birthday.”
Kaya ang daming nagtanong na netizens kung sila na ni Rico (48 years old kahapon).
Ang komento ni Direk Antoinette Jadaone, “Akala ko, may kiss sa dulo, ihhhhh.”
Puro heart emoji naman ang comment nina Chie Filomeno at Awra Briguela na tila kinumpirma na rin na magdyowa sina Maris at Rico.
Ayon naman kay Alex Gonzaga, “Ay iba (clapping emoji).”
Say naman ni Bianca Gonzales, “Awwwww! Cute n’yo! Happy birthday, Rico!”
Nag-react din ng emoji heart sina Sue Ramirez, Maja Salvador, Miles Ocampo, AC Bonifacio, Bela Padilla at marami pang iba.
At dahil mga kasamahan na rin naman nila sa showbiz ang nagbigay ng sweet comments ay ano pa ba ang ibig sabihin, eh, di sila na nga.





Comments