top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

44 si lalaki, 27 si babae, Daniel… ECHO, TANGGAP NG FANS PARA KAY KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 1, 2024



Ang advanced mag-isip ng mga fans. Three times pa lang nakitang magkasama sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo, inisip na agad na posible silang magkarelasyon. 


Nasundan kasi ang pagsasama ng dalawa mula sa birthday treat ni Mr. Johnny Manahan sa grupo nina Jericho, Kathryn, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador at Piolo Pascual nang makita sila sa isang resto bar with friends.


Nasundan uli nang makita silang nagna-night jogging sa isang parte ng Marikina City.


Pero, kasama raw ni Kathryn ang mom at brother niya, habang si Jericho, tila kasama ang pamangking si John Manalo, kaya hindi masasabing date ‘yun. Marami rin silang nakasabay mag-jogging at nagpakuha pa nga ng picture sa kanila.


May mga kinikilig na sa idea na magiging sina Jericho at Kathryn. May chemistry daw ang dalawa at kahit may mga kumokontra sa kanilang age gap, hindi ito isyu sa ibang fans ni Kathryn. 


Saka, 17 years lang naman ang kanilang age gap dahil 27 years old si Kathryn at 44 naman si Jericho. May couple raw na mas malayo ang age gap at wala namang problema.


May mga nag-aakala namang kaya nadadalas ang sightings kina Kathryn at Jericho dahil baka may nilulutong pelikula na pagtatambalan nilang dalawa. Kung totoo ito, matutupad ang wish at request  ng maraming fans na pagtambalin sila sa movie man o television.


Bukas, magre-renew ng kontrata sa Star Magic si Kathryn, malalaman natin kung

may pinaplano ngang project para sa dalawa.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page