4 Coast Guard, sibak sa paglubog ng MV Trisha Kerstin
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | February 27, 2025

Photo File: Philippine Coast Guard
Sinibak ng Philippine Coast Guard ang apat na enlisted personnel, habang sinuspinde ng isang taon nang walang suweldo ang dalawang opisyal nito kaugnay sa trahedya nang paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 noong February 24, 2026.
Ito ang inilabas na desisyon ng PCG matapos ang ginawang imbestigasyon ng Coast Guard Inspector General-Internal Affairs Service.
Lumitaw sa imbestigasyon na nabigo ang apat na enlisted personnel na magsagawa ng independent verification sa totoong bilang ng mga pasahero ng barko at hindi maayos na dinokumento ang load line markings ng barko.
Na-demote naman ng isang ranggo ang duty officer na si PO3 Jestoni Barreto dahil sa kapabayaan sa kanyang tungkulin.
Sinuspinde naman ng isang taon ng walang sahod ang dalawang senior officers na sina LCDR Tristan Jenner Erediano at Lt. Jason Pagbonocan na nagsilbing station commander at acting Station commander sa Zamboanga.
Inatasan ang mga ito na sumailalim sa mandatory retraining sa ship inspection standards at superbisyon ng PDI teams.
Sinabi ni PCG Spokesman Noemi Cayabyab na hindi kinukunsinti ng Coast Guard ang mga ganitong uri ng paglabag sa maritime safety standards at palalakasin ang inspection protocols at training ng personnel upang hindi maulit ang trahedya.




Comments