304 reklamo ng domestic violence laban sa mga pulis

by BRT @News | November 13, 2026

Photo: File / PNP
Umabot sa 304 ang mga reklamong may kaugnayan sa domestic violence laban sa mga pulis mula Enero 1 hanggang Nobyembre 9, 2026, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Allen Rae Co na lahat ng reklamo ay inaksyunan na at naitala sa kanilang opisyal na rekord, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at mga kaukulang proseso.
Noong 2025, nakapagtala naman ang PNP ng 338 kahalintulad na reklamo.
Hinikayat ng PNP ang mga biktima na magsumbong at tiniyak na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan, lalo na kung pulis mismo ang sangkot.





Comments