top of page
FRANKLY - LISENSIYA NI BINI MIKHA, SINUSPINDE, SUMUKO SA LTO_IG _bini_mikha _FB Circulated

P23 bilyon, budget ng 'Pinas para sa ASEAN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 13, 2026



PBBM Bongbong Marcos sa ASEAN Summit - PCO

Photo: ASEAN Summit / PCO



Tiniyak ng Malacañang na handa ang pamahalaan na sumailalim sa audit at maglabas ng detalyadong ulat hinggil sa paggastos sa pagho-host ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa gitna ng mga tanong at batikos sa malaking pondong inilaan dito.


Ayon kay Palace Press Officer Undersectetary Claire Castro, bukas ang pamahalaan na ipakita sa publiko kung saan napunta ang pondong ginamit sa paghahanda ng Pilipinas bilang host ng regional summit.


“Ang budget po sa ASEAN Summit, ang naka-allocate po ay 22.9 billion representing the total funding allocated for ASEAN 2026. Pero hindi naman po ibig sabihin na ito po ay nagasta na. At kung anuman at kung magkano man ang nagastos, iyan po ay amin namang iri-report dahil hindi pa po makakapagbigay ng pinal na report or accounting dahil hindi pa po tapos ang ASEAN Summit,” pahayag ni Castro sa briefing sa Palasyo.


“So, handa ang gobyerno na ito ay ma-audit. Handa ang gobyernong mag-report para ipakita sa inyo kung saan napunta lahat ang ating pinaghandaan bilang host ng ASEAN Summit,” ani Castro.

Nasa P22.9 bilyon ang kabuuang pondong inilaan ng pamahalaan para sa ASEAN 2026, sa ikalimang pagkakataon na mamumuno ang Pilipinas bilang chair ng regional bloc.


Naging usap-usapan online ang naturang halaga matapos ikumpara ang alokasyon ng kasalukuyang administrasyon sa naging gastos ng mga nakaraang administrasyon, na nasa P1 bilyon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at P3.79 bilyon naman sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Gayunman, iginiit ni Castro na hindi lamang ang halaga ng nagastos ang dapat pagtuunan ng pansin kundi ang mga nagawa at posibleng pakinabang ng bansa mula sa pagho-host ng ASEAN Summit.


“Mas dapat natin tingnan ano iyong nasakop, ano iyong nagawa, ano iyong maaaring maging resulta nito kaysa sa ano iyong nagastos noon at kung ano iyong magagastos ngayon. Dahil alam naman nating ang Pangulo, ang pondo ng bayan dapat nababalik sa bayan,” punto ni Castro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page