top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 16, 2024




Nasagip ang dalawang mangingisda na na-stranded sa dagat habang nanghuhuli ng isda malapit sa Rizal, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Biyernes.


Nagkaroon ng problema sa makina ng bangka sina Regie Nalang at Reymond Talaver at na-stranded sa dagat ng isang araw bago nailigtas ng mga tauhan ng Coast Guard Station Western Palawan at Bantay Dagat Rizal malapit sa Sitio Ariringon sa Brgy. Iraan noong Pebrero 14.


Humingi sila ng tulong sa PCG, na nagresulta sa search and rescue operation.


"Upon arrival, the SAR team [provided] them water and food. Fortunately, both fishermen were all in good physical condition," pahayag ng PCG.


Hinila ng SAR team ang nasirang bangka patungo sa pinakamalapit na baybayin sa Brgy. Iraan upang maiwasan ang posibleng aksidente sa dagat.


Pinayuhan ng PCG ang mga lokal na mangingisda na siguruhing nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga bangka bago mangisda upang manatiling ligtas.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 31, 2023




Libu-libong biyahero ang dumagsa nang maaga sa mga pantalan sa bisperas ng Undas o All Saints' Day and All Souls' Day ngayong taon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).


Inaasahan na dadalaw ang mga biyaherong ito sa kanilang mga yumaong kamag-anak sa mga sementeryo o magbabakasyon.


Batay sa tala ng PCG mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ngayong Martes, mayroong 46,856 pasaherong papalabas at 38,008 papasok sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.


Idinagdag pa nito na libu-libong kawani ng PCG ang nag-iinspeksyon hanggang ngayon sa 258 na mga barko at 202 na mga motorbanca.


Ayon sa PCG, magtatagal ang "heightened alert" sa kanilang mga district, station, at sub-station hanggang Nobyembre 6 para maisaayos ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.


Para sa mga katanungan tungkol sa mga sea travel protocol sa panahon ng Undas 2023, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa PCG sa kanilang opisyal na Facebook page o sa Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729).

 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2022



Nasa full alert na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa seguridad ng bansa para sa May 9 national at local elections.


“Effective today, as of 6 a.m., nagdeklara na po tayo ng full alert. Ibig sabihin po, lahat ng kapulisan ay magre-render ng kanilang duty in relation sa ating paghahanda sa eleksyon,” saad ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang radio interview ngayong Miyerkules.


Ayon naman kay AFP chief of staff General Andres Centino, ang militar ay isasailalim sa red alert simula sa Biyernes.


“We are ready, we have done the planning, we have done the organization, and we have set up our monitoring command centers. We are declaring red alert by Friday so that we ensure that all AFP personnel across the country are accounted for by their commanders and ready for the election on Monday,” ani Centino sa ginanap na joint press conference sa PNP, Philippine Coast Guard, Department of Education, at Commission on Elections.


“And this is an assurance from your AFP, while at this time we are still uncertain of who will win, who will be the next leaders of our country, what we can be certain is that you have a strong armed forces ready to perform its duty,” dagdag ni Centino.


Samantala, sinabi nina PNP chief Police General Dionardo Carlos at Centino na wala pa silang natatanggap na anumang verified threats kaugnay sa eleksyon.


“Walang verified, all information lang. May word na baka so hindi pa rin sila sure. So whenever there is information, we go out and verify the information on the ground and come up with an intelligence report,” pahayag ni Carlos sa joint press conference.


Ani Centino, “these are unverified but we cannot be complacent, we are preparing for contingencies and we are ready for that.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page