3rd gold, nasungkit ni Prado sa Road Nationals
ni MC / VA - @Sports | June 25, 2022

Astig sa kalkulasyon ng ruta at matulin itong si Jermyn Prado sa pagpedal tungo sa ikatlong gintong medalya sa PhilCycling National Championships for Road noong Huwebes sa Tagaytay City.
Pumapadyak nang matiyaga at mabilis sa road race (massed start) ng Women Elite ay ipinakita ang pagkabeterano sa 2019 Southeast Asian Games ni Prado, 27-anyos,na subok na sa mga patag hanggang pag-atake sa mga rutang paakyat sa Praying Hands Monument kabuntot si up-and-coming Mathilda Krogg.
Tinapos ni Prado ang 114-km race makaraan ang criterium noong Martes at individual time trial noong Miyerkules. “Like I said, I don’t stop training,” ani Prado, na naorasan ng 3 hours, 21 minutes at 23 seconds, parehong oras ng 19-year-old na si Krogg na nagkamit ng silver medal sa 114-km race na nagtapos sa matarik na akyatan.
Si Krogg, ang nagkampeon sa Women’s Under-23, ang ikalawa niyang gold matapos ang criterium. Silver medal ang nakuha ni Avegail Rombaon sa event na inorganisa ni PhilCycling and Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Nagkasya sa bronze si Ma. Mhay-ann Lina.
Nakuha ng teammate ni Krogg na si Kate Yasmin Velasco ang Under-23 silver medal sa oras na 3:24:40 at 7-Eleven Roadbike Philippines’ Phoebe Salazar ay bronze sa 3:25:13 sa event na bahagyang inulan.
Nagtapos na 1-2-3 sina Angelica Mae Altamirano (1:25:15), Lyca Angel Jacobe (1:25:43) at Althea Campana (1:25:44) sa Women’s Junior, habang sina Steven Aaron Cerezo (1:02:04), Kyle Christian Mendajao 1:02:06) at Lester de la Cruz (1:02:06) ang nalagay sa Men’s Youth podium. Parehong kumarera sa 55 kms.
Gold si King Vincent Mercado (1:32:29), silver si Khalil Sanchez (1:32:29) at si KienEbojo (1:32:30) ay bronze sa 74-km Men’s Junior race, habang si Kim Syrel Bonilla (1:26:33), Vianne Angel Pagnanawon (1:26:34) at Rosalie de la Cruz (1:26:35) ay top finishers sa 40-km Women’s Youth event.





Comments