top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 12, 2024



Showbiz News

Tatlong malalaking wildfire sa kabundukan sa silangan ng Los Angeles, Southern California, ang sumira ng maraming tahanan at nagtulak sa libu-libong tao na lumikas, ayon sa mga opisyal nitong Miyerkules.


Hindi bababa sa 12 katao, karamihan ay mga bumbero, ang ginamot dahil sa mga pinsalang dulot ng sunog. Gayunpaman, wala pang naiulat na nasawi.


Mahigit 600 bumbero ang nakapagpigil sa pagkalat ng sunog nitong Miyerkules, sa kabila ng malalakas na hangin na nagpahinto sa mga eroplanong nagbubuhos ng fire retardant. Pagsapit ng gabi ng Miyerkules, nasa 30% na ang kontrol sa sunog.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 3, 2024




LOS ANGELES, CALIFORNIA — Inaasahang tatama ang ikalawang pinakamalakas na bagyo sa Southern California ngayong weekend.


Nagbabala ang mga forecaster na magdadala ng panganib at magdudulot ng malubhang pagbaha at pagguho ng lupa ang nasabing bagyo.


Unti-unting paglala ng ulan ang mararamdaman sa California simula ngayong Sabado, at posibleng malakas na buhos naman sa isang 300-milyang pahabang baybayin ang mararanasan sa darating na Linggo at Lunes habang kumakalat ang bagyo mula San Luis Obispo at Santa Barbara patungong timog sa mga bayan ng Los Angeles at San Diego.


Samantala, naglabas naman ang National Weather Service (NWS) ng mga babala ukol sa baha para sa buong rehiyon mula sa inaasahang malupit na buhos ng ulan na posibleng bumagsak sa loob ng 36 na oras, kasama ang malakas at pabugso-bugsong hangin.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 17, 2021



Inilabas na ng kapulisan sa California ang larawan ng suspek sa pananaksak sa isang Pinoy sa trolley station sa El Cajon.


Nakilala sa pamamagitan ng surveillance ang suspek na si Israel Ezekiel Valdivia, 24-anyos na isang convicted felon.


Kalalabas lamang nito sa kulungan sa ilalim ng supervision at dahil sa pangyayari ay nalabag nito ang kanyang probation condition at mayroon na siyang warrant of arrest.


Ayon sa El Cajon Police District, mapanganib ang nasabing suspek dahil ito ay armado.


Matatandaang noong Nobyembre 3 ay bigla na lamang sinaksak ng suspek ang 71-anyos na si Jose Serra kung saan nagtamo ito ng matinding sugat sa kaniyang iba’t-ibang bahagi ng katawan at nasa malubhang kalagayan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page