22-anyos estudyante, ipina-tattoo ang COVID-19 vaxx pass
- BULGAR

- Aug 22, 2021
- 2 min read
ni Lolet Abania | August 22, 2021

Isang 22-anyos na estudyanteng lalaki sa Italy ang nag-viral matapos na ipa-tattoo sa kanyang braso ang barcode ng kanyang COVID-19 certificate. Ayon kay Andrea Colonnetta, hindi na niya pinag-isipan pa at agad na nagpa-tattoo dahil aniya, ang naging desisyon ay praktikal at topical habang kausap ang tattoo artist na si Gabriele Pellerone.
“It’s certainly something original, I like to be different,” pahayag ni Colonnetta, na tubong southern city ng Reggio Calabria, sa Corriere della Calabria, isang pahayagan sa Italy. Sa ilalim na bahagi ng braso ni Colonnetta makikita ang isang matrix ng itim na parisukat mula sa QR code ng kanyang opisyal na Italian green pass.
Ang nasabing pass ang magpapatunay ng COVID-19 status -- kung ang isang indibidwal ay bakunado, nakarekober na sa virus o nagnegatibo sa test sa loob ng 48 oras. Simula pa noong Agosto 6, isang EU Digital COVID-19 certificate ang nire-require sa Italy para makapasok sa mga cinemas, museums at indoor sports venues o kumain indoors sa mga restaurants.
Ayon kay Colonnetta, na nakumpleto na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine, habang nakatatanggap siya ng maraming atensiyon sa Instagram at TikTok, ang kanyang mga magulang ay nag-aalangan pa rin sa kanyang ginawa. “Certainly, they encouraged me to be less impulsive and to better reflect on things...” ayon pa sa estudyante sa naturang pahayagan.
Gayunman, nag-viral nang husto ang kanyang tattoo barcode. Lumabas din sa video na nai-post sa TikTok ng Pellerone shows ang naka-mask na si Colonnetta habang papasok ng McDonald’s at itinaas ang kanyang braso para magpakuha ng larawan ng kanyang tattoo. Isang security guard naman sa entrance ng fast food chain ang nag-scan ng tattoo ni Colonnetta.





Comments