top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 5, 2024



Showbiz News

Tinatayang nasa 20 migrante ang nawawala matapos tumaob ang kanilang bangka sa Mediterranean ngayong linggo, ayon sa ahensya ng UN para sa mga refugee at sa Italian coast guard. Nakaligtas ang pitong Syrian at dinala sa Lampedusa, Italy.


Sinabi ng coast guard na nakita ng mga lokal na otoridad ang lumulubog na bangka mga 10 milya sa timog-kanluran ng isla. Sinabi ni Chiara Cardoletti, ang kinatawan ng UNHCR, sa X na nasa kritikal na kondisyon ang pitong nakaligtas at marami sa kanila ang nawalan ng mga kamag-anak.


Iniulat ng coast guard na 28 tao ang umalis mula sa Libya noong Setyembre 1, ngunit 21, kabilang ang tatlong bata, ang nahulog sa dagat dahil sa masamang panahon. Nagsasagawa naman ng search at rescue operations ang naval unit at coast guard para sa kanila.

 
 

ni Lolet Abania | August 22, 2021



Isang 22-anyos na estudyanteng lalaki sa Italy ang nag-viral matapos na ipa-tattoo sa kanyang braso ang barcode ng kanyang COVID-19 certificate. Ayon kay Andrea Colonnetta, hindi na niya pinag-isipan pa at agad na nagpa-tattoo dahil aniya, ang naging desisyon ay praktikal at topical habang kausap ang tattoo artist na si Gabriele Pellerone.


“It’s certainly something original, I like to be different,” pahayag ni Colonnetta, na tubong southern city ng Reggio Calabria, sa Corriere della Calabria, isang pahayagan sa Italy. Sa ilalim na bahagi ng braso ni Colonnetta makikita ang isang matrix ng itim na parisukat mula sa QR code ng kanyang opisyal na Italian green pass.


Ang nasabing pass ang magpapatunay ng COVID-19 status -- kung ang isang indibidwal ay bakunado, nakarekober na sa virus o nagnegatibo sa test sa loob ng 48 oras. Simula pa noong Agosto 6, isang EU Digital COVID-19 certificate ang nire-require sa Italy para makapasok sa mga cinemas, museums at indoor sports venues o kumain indoors sa mga restaurants.


Ayon kay Colonnetta, na nakumpleto na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine, habang nakatatanggap siya ng maraming atensiyon sa Instagram at TikTok, ang kanyang mga magulang ay nag-aalangan pa rin sa kanyang ginawa. “Certainly, they encouraged me to be less impulsive and to better reflect on things...” ayon pa sa estudyante sa naturang pahayagan.


Gayunman, nag-viral nang husto ang kanyang tattoo barcode. Lumabas din sa video na nai-post sa TikTok ng Pellerone shows ang naka-mask na si Colonnetta habang papasok ng McDonald’s at itinaas ang kanyang braso para magpakuha ng larawan ng kanyang tattoo. Isang security guard naman sa entrance ng fast food chain ang nag-scan ng tattoo ni Colonnetta.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 24, 2021



Patay ang 13 katao at 3 ang sugatan matapos bumagsak ang sinakyan nilang cable car sa Italy noong Linggo.


Ayon sa ulat, lulan ng naturang cable car ang mga turista at local residents mula sa Stresa town sa Lake Maggiore patungo sa Mottarone mountain na may taas na 1,400 meters above sea level.


Gumamit umano ng helicopter upang ma-rescue ang mga pasahero ng cable car.


Pahayag ni Stresa Mayor Marcella Severino, “We are devastated, in pain.”


Nagpahayag naman ng pakikiramay si Italian Prime Minister Mario Draghi sa pamilya ng mga biktima.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon at kinikilala na ng awtoridad ang mga biktima kabilang ang ilang foreign nationals, ayon kay Severino.


Ayon naman kay Fire Brigade Spokesman Luca Cari, hindi nila sigurado kung ilan ang sakay ng naturang cable car.


Samantala, ang Mottarone peak ay popular sa mga turista dahil sa panoramic views ng Lake Maggiore.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page