top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

2028 elections, hinaharang daw... Sara, tinawanan lang ni BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 29, 2026



Bongbong Marcos at Sara Duterte - FB

Photo: Bongbong Marcos at Sara Duterte / FB



Natawa lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang hingan ng reaksyon kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na umano’y sinusubukan ng administrasyon na pigilan ang 2028 national elections.


Sa isang panayam, tinanong si  Pangulong Marcos tungkol sa akusasyon ni Duterte na layunin ng administrasyon na pabagsakin siya at manatili sa kapangyarihan.


Dumalo ang Pangulo sa pagkilala sa mga paaralang lumahok sa Programme for International Student Assessment (PISA) at mga education partner na ginanap sa President Corazon “Cory” C. Aquino National High School sa Pasay City.


Nauna nang itinanggi ni Duterte ang mga alegasyong may kinalaman siya at tumanggap ng pera mula kay Rodolfo Gracioso Jr., isang dating pulis na nagsilbing security officer ng noo’y House Speaker Lord Allan Velasco.


Inihayag ni Gracioso na umano’y naghatid siya ng mga maleta na naglalaman ng mahigit ₱2 bilyong cash para kay VP Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City Rep. Paolo Duterte.


Ayon sa Bise Presidente, isa lamang umanong “media stunt” ang mga paratang at desperadong hakbang ng administrasyon upang buhayin ang aniya’y humihinang impeachment case laban sa kanya.


“The desperation of the administration to bring me down, push for Charter change, prevent the 2028 elections, and cling to power is becoming increasingly diabolical,” ani Duterte.

Samantala, tinawag umano ng Pangulo na “buwaon” o sinungaling si Duterte kaugnay ng pahayag nitong desperado ang administrasyon na pabagsakin siya ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.


“Ito po mismo ang mensahe ng Pangulo patungkol sa komento na ‘yan ng Bise Presidente. Ang sabi po niya ‘yan po ay nonsense, fake news, may hilig magsinungaling, mga buwaon,” wika ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa Palace briefing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page