top of page

2026 budget deliberations bantayan, dapat naka-live na sa publiko!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 20, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Ayan na naman mga beshie! Nag-umpisa na ang budget deliberations para sa proposed P6.793 trilyon na national budget sa 2026. Grabe, ang laki, teh! Mas bongga pa sa budget ngayong 2025.


Imagine, may P881.3 bilyon para sa DPWH — bekenemen this time may matinong flood control project na, hindi puro drawing at press release! Tapos may P2.314 trilyon sa social services na sana ‘wag lang maging props ng mga pulitiko. Ibigay sa totoong nangangailangan, hindi ‘yung pinapapila, pinapaluhod, at pinagmumukhang kawawa bago bigyan ng ayuda.


Ang tanong, mga beshie: mapupunta ba talaga sa masa, o sa bulsa ng BONJING pa rin ang ending? Naku ha! 


BUDGET ito, ha, hindi BADget! Kaya please lang, sa mga kapwa ko lingkod-bayan — kumilos kayo nang tama! ‘Wag na sanang maulit ‘yung nangyari sa 2025 budget na talaga namang naging free for all sa mga very bad! Matuto na tayo! 


Kung ako ang tatanungin, dapat naka-LIVE na sa publiko ’yang budget deliberations. Step by the step ba, para sumakses tayong lahat! Walang taguan! Sabi ko nga, pera ito ng BAYAN, hindi pera ng BAHAY (Ehem HOUSE)! 


Kaya dapat walang extra, walang pa-VIP, lahat tayo kasama sa proseso. Agree?


At ‘wag na sanang mangibabaw ang mga “pork” na parang paulit-ulit na ulam — nakakasawa na, beshie! Ilang dekada na ba ‘yang ganyang klaseng rekado? Iilan lang ang nabubusog, pero ang masa — tuyot at gutom pa rin!


Kaya beshie, bantayan natin ang 2026 budget deliberations. Ayaw na natin ng magic show please lang! Ang gusto ng tao: maayos na serbisyo, malinaw kung ano ang gastos, at tunay na malasakit sa kapwa.



Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page