20 yrs. naka-survive sa kidney transplant, cancer, etc… TITA NI MAJA, NAHAWA NG COVID, PATAY
- BULGAR
- Mar 26, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 26, 2021

Inamin ni Maja Salvador sa virtual mediacon ng bago niyang teleserye sa TV5 na Niña, Niño kasama ang young actor na si Noel Comia na dumaraan din siya sa maraming pagsubok at marami rin siyang naranasan sa buhay na idinadaan na lang niya sa pag-iyak.
Kuwento ng aktres, “Hindi po naging madali ang sitwasyon ko, tayo, lahat, 'di ba? Hindi naging madali sa akin ang mga ginagawa kong desisyon, mga big decisions na ginagawa ko lately. Siyempre, hindi ako sanay sa mga ganu'n kalalaking bagay.
“Sabi nga ni Direk (Thop Nazareno), laging may panibagong umaga, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. At bawat umaga ay tanggapin mo, mag-adjust ka nang mag-adjust hanggang sa maramdaman mo na tama ang desisyon mo at masasabi ko na okay po ako, okay na ako.
“Maliban itong linggong ito na siyempre, may isang taong importante sa buhay mo na nawala na inilaban niya nang ilang taon, tapos dahil lang sa salot na COVID, 'yun pala ang makakapag-give-up sa tita ko.”
Ang binabanggit na tiyahin ni Maja ay first cousin ng mama niya na nag-aruga sa kanila noong lumuwas sila ng Maynila at sa bahay nito sila pinatuloy hanggang sa pinasok na niya ang showbiz.
Kuwento ng aktres, “Kasi ‘yung tita ko na nagpa-kidney transplant, survivor siya for 20 years, nailaban niya ‘yun. She had also cancer, Stage 4, nailaban niya ‘yun. Tapos naoperahan pa siya nu’ng December, nailaban niya ‘yun. And then, nahawahan po siya ng COVID, she just died 3 days ago.
“Kaya it’s very difficult for me. Kaya lahat ng plans ko for Holy Week, kinansel ko, kasi hindi po biro ang coronavirus na meron tayo. So, I think, itong Holy Week, mag-stay lang tayo sa ating mga bahay-bahay to help our frontliners din and para ibigay din natin kay Papa God ‘yung linggong ‘yun para mag-reflect at magpasalamat at humingi ng proteksiyon sa nangyayari sa buong mundo.
“Kaya ganu’n din po kalakas ang faith ko kay God, kasi bata pa lang ako ay bitbit niya (tita ni Maja) ako sa simbahan.”
Payo naman niya sa mga taong may mga pinagdaraanan, “Gusto kong sabihin sa inyo na kung naiiyak kayo at nahihirapan kayo, iiyak n'yo lang, dahil malaking tulong po 'yun. Huwag ninyong dibdibin, huwag n’yong kimkimin kung ano ang nararamdaman ninyo, dahil mas mahirap po ‘yun kapag in-stress n’yo ang sarili ninyo. So, kung ano'ng nararamdaman n'yo, ilabas ninyo. Kung gusto ninyong sumigaw, sumigaw kayo.”
Mapapanood ang Niña, Niño sa Abril 5, 7:15 PM sa TV5 mula sa direksiyon ni Thop Nazareno handog ng Cignal, Spring Films at Cornerstone Studios.
Makakasama ni Maja sina Noel Comia, Jr., Moi Bien, Arron Villaflor, Ruby Ruiz, Lilet Esteban, Junyka Santarin, Dudz Terana, Ian Pangilinan at Empoy Marquez.





Comments