2 Filipino tourists patay sa bus crash sa Germany

by BRO @News | September 28, 2026

Photos: Philippine Consulate General Frankfurt / AP
Patay ang dalawang Filipino at hindi bababa sa walo ang malubhang nasugatan matapos bumaligtad ang bus na sinasakyan ng isang Filipino tour group sa Bavaria, Germany.
Ayon sa German officials, umalis sa highway ang bus malapit sa Buchloe sa Ostallgäu dakong alas-6 ng umaga noong Linggo.
Tinatayang 35 Filipino ang sakay nito na patungo sanang Munich para sa Oktoberfest. Dalawang driver ang kasama sa biyahe at kapwa hindi nasugatan.
Anim na pasahero ang isinugod sa ospital gamit ang rescue helicopters, habang dalawa ang isinakay sa ambulansya. Isa sa mga malubhang nasugatan ay kritikal ang kondisyon.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente. Nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate General sa Frankfurt sa German authorities para sa mga apektadong Filipino.





Comments