top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | February 12, 2026



Graduating student tumalon sa LRT-FPJ Station - Chivas Castello via BULGAR

Photo: Chivas Castello via Bulgar



Patay ang isang lalaking estudyante matapos umanong tumalon sa San Fernando Poe Jr. Avenue Station ng LRT-1 sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.


Ang biktima ay estudyante umano ng Philippine Christian University (PCU) batay sa nakuhang identification card nito.


Mula sa itaas ng LRT station ay tumalon umano ang hindi pinangalanan estudyante at pagbagsak sa northbound lane ng EDSA ay nahagip ng isang sasakyan at nakaladkad pa ito nang ilang metro.


Hindi naman masabi ng mga guwardiya ng LRT 1 station kung paano nakalampas sa platform ng istasyon ang estudyante.


Batay sa pahayag ng isang saksi na dispatcher ng jeep, inakala niyang piraso lamang ng damit ang nahulog mula sa itaas ng LRT station pero laking gulat nito nang makita na tao ang nakaladkad ng kotse matapos itong bumagsak sa kalsada.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at nagpahayag ang management ng LRT 1 na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng mga otoridad.


 
 

by Info @News | February 5, 2026



Mini dump truck, nahulog sa bangin kahapon ng umaga sa Negros Oriental. (Mai Ancheta)

Photo: Mini dump truck, nahulog sa bangin kahapon ng umaga sa Negros Oriental. (Mai Ancheta)



Malagim na kamatayan ang sinapit ng siyam na kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang mini dump truck sa Brgy. Kalamtukan, Bayawan City, Negros Oriental nitong Miyerkules ng umaga.


Sa report na inilabas ni Negros Oriental Provincial Director Pol. Col. Timmar Alam, nangyari ang insidente alas-10:30 ng umaga. Pabalik na umano sa kanilang opisina ang mga biktima mula sa isang aktibidad nang mangyari ang insidente na pagkahulog ng mini dump truck sa bangin na tinatayang may lalim na 30 metro.


Tinitingnan ng mga otoridad ang posibilidad na human error ang sanhi ng insidente.

Lahat umano ng sakay ay hindi nakaligtas sa trahedya.


Kumilos na ang provincial office ng DAR sa Negros Oriental para alalayan ang pamilya ng mga nasawing biktima.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 23, 2024




Patay ang tatlong sakay ng motorsiklo, kabilang ang isang bata, nang salubungin nito ang bus sa Tagkawayan, Quezon.


Nahuli cam ang paglihis ng takbo ng motorsiklo kung saan napunta ito sa linya ng papasok na bus at doon nila ito nabangga.


Nakaladkad ang motor bago tuluyang makahinto ng pampasaherong bus.


Nasawi ang rider ng motor at nadala pa ang dalawang sakay nito sa ospital na doon binawian ng buhay.


Hawak naman ng mga otoridad ang driver ng bus at hinihintay pa itong magbigay ng pahayag.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page