top of page
Search

ni Lolet Abania | March 15, 2022


ree

Nakatakdang mabenepisyuhan ang mga Filipino healthcare workers sa Germany na nagsilbi sa gitna ng COVID-19 pandemic mula sa COVID care bonus ng German government, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).


Naglaan ang gobyerno ng Germany ng €1 billion para sa COVID care bonus, kung saan hahatiin equally ito sa mga nurse na nasa care homes at mga nurse sa mga ospital, ayon kay Labor Attaché Delmer Cruz ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Berlin sa kanyang report kay DOLE Secretary Silvestre Bello III.


“The initiative of Germany to reward the frontline workers including our very own for their service during the pandemic is really commendable. This will inspire all the more our healthcare workers in providing the brand of service that the Filipinos are known for even in the midst of crisis,” pahayag ni Bello.


Sinabi ng DOLE na ang mga healthcare workers na nakatalaga sa elderly care ay makatatanggap ng insentibo na naglalaro mula 60-550 Euros o P3,400-P31,000.


Kabilang sa mabebenepisyuhan nito ay mga nursing staff na nagtatrabaho sa geriatric care ng tinatayang tatlong buwan sa pagitan ng Nobyembre 1, 2020 at Hunyo 30, 2022, at iyong nananatiling employed hanggang Hunyo 30.


Ang iba pang beneficiaries ng COVID care bonus ay mga support staff, gaya ng administrators at iyong mga nasa building services, kitchen, cleaning, reception at security services, gardening at grounds maintenance, at laundry o logistics.


Ang mga trainees naman para sa elderly care, ibang empleyado, volunteers, at nakilahok sa “voluntary social year” scheme ay eligible din para makatanggap ng naturang insentibo.


 
 

ni Lolet Abania | December 17, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang 1,020,500 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na donasyon ng German government ngayong Biyernes.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, lumapag ang latest batch ng vaccine doses ng COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, bago mag-alas-4:00 ng hapon ngayong araw.


Pinasalamatan naman ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang gobyerno ng Germany para sa donasyon nito sa pamamagitan ng COVAX facility.


Sinabi rin ng task force na may karagdagang 940,800 doses pang Moderna vaccine na donasyon ng Germany ang darating ngayong Biyernes ng gabi.


Pahayag naman ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nakapag-administer na ang bansa ng kabuuang 100,019,137 ng COVID-19 vaccine doses nationwide hanggang nitong Disyembre 16.


 
 

ni Lolet Abania | November 9, 2021


ree

Nasa kabuuang 793,900 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng Germany ang dumating sa bansa ngayong Martes ng hapon.


Ang karagdagang vaccine supply ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, pasado alas-4:00 ng hapon.


Samantala, halos 30 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.


Ayon sa gobyerno, nasa 29,809,085 indibidwal o 38.64% ng 77 milyong target na populasyon ang bakunado na kontra sa virus hanggang nitong Nobyembre 8, kung saan opisyal na inumpisahan ang vaccination program noong Marso 1, 2021.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page