top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

150 pulitiko at gov’t officials, nangangatal na sa paglalantad ni Curlee Discaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 9, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KABADO NA ANG 150 POLITICIANS AT GOV’T. OFFICIALS NA DAWIT SA KICKBACK SA FLOOD CONTROL PROJECTS — Matapos pagsilbihan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Curlee Discaya ng warrant of arrest sa no-bail na kasong malversation of public funds through falsification of public documents habang nasa detention cell ng Senado, sinabi niya na handa na umano siyang pangalanan ang 150 pulitiko at opisyal ng gobyerno na tumanggap ng kickback mula sa flood control projects nila ng kanyang asawang si Sarah Discaya.


Dahil sa pahayag na ito ni Curlee, tiyak na kabado na ang 150 pulitiko at opisyal ng gobyerno na umano’y nakinabang sa mga kickback ng mag-asawang Discaya. Period!


XXX


SAFE NA SI SEN. LOREN LEGARDA SA ISYU NG MALETANG MAY PERA — Nilinis ni Atty. Levi Baligod ang pangalan ni Sen. Loren Legarda matapos sabihin na nagkamali ang dalawa sa 18 umano’y dating bodyguard ni Zaldy Co nang idawit ang senadora sa mga tumanggap ng maleta-maleta umanong pera mula sa kickback sa flood control projects scam.


Kung ganoon, mukhang ligtas na si Sen. Legarda sa isyu ng maleta-maletang pera. Boom!


XXX


MGA NAGPAKALAT NG FAKE NEWS SA SOCIAL MEDIA NA WALANG KLASE SA UNANG ARAW NG PASUKAN, DAPAT PANAGUTIN NG DEPED — Noong Linggo, may mga nagpakalat ng fake news sa social media na umano’y wala raw pasok sa unang araw ng klase kahapon.


Dapat hilingin ng Department of Education (DepEd) sa mga otoridad na imbestigahan, tukuyin, at sampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyong ito. Hindi dapat ginagawang paksa ng fake news ang edukasyon ng mga mag-aaral dahil nagdudulot ito ng kalituhan sa mga magulang, guro, at estudyante. Period!


XXX


HINDI SANA MAPUNTA SA BULSA NG MGA BUWAYA SA PAMAHALAAN ANG PONDONG ILALABAS NG DBM PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO — Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na agad silang maglalabas ng pondo para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao.


Ipagdasal na lamang natin na ang pondong ito ay mapunta talaga sa mga nangangailangan at hindi sa bulsa ng mga buwaya sa pamahalaa



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page