top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

15 huli sa akto sa scam hub

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | May 14, 2026



Crypto investment scam - NBI

Photo: NBI



Arestado ang 15 katao kabilang ang dalawang dayuhan, ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsalakay sa isang condominium unit na nagsisilbing scam hub sa Mandaluyong City.


Isinailalim na sa inquest proceedings sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang 12 lalaki at isang babaeng Pilipino, isang Chinese national at isang Malaysian national sa paglabag sa Section 6 ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).


Base sa ulat, naaktuhan ng mga operatiba ng NBI-Dangerous Drugs Division sa pagpapatupad ng isang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data, kasama ang NBI-Digital Forensic Laboratory Division at ng Philippine Air Force Intelligence Unit ang mga suspek na nagtatrabaho sa harap ng mga desktop computer.


Ang pagsalakay ay nag-ugat sa intelligence report kaugnay sa scamming network na pinamumunuan ng isang alyas Boss Choi.


Nadiskubre na gumamit ng isang pekeng website ang grupo upang akitin ang mga biktima sa mga mapanlinlang na cryptocurrency investment scheme.


Nakumpiska ang maraming computer device at agad na isinailalim sa on-site digital forensic examination na tumukoy sa pagkakaroon ng isang organisadong operasyon ng scam na nakikibahagi sa mga aktibidad ng pandaraya sa online investment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page