Bribery charge laban kay VP Sara, posibleng iurong

by BRO @News | September 28, 2026

Photos: Sara Duterte / Senate of the Philippines
Posibleng hindi na iharap ng House prosecution panel ang ebidensiya sa bribery charge laban kay Vice President Sara Duterte kung kapusin sa oras ang impeachment trial bago unahin ng Senado ang 2027 national budget.
Ayon kay prosecution spokesperson Benjamin Tolosa Jr., target nilang matapos ang presentasyon ng ebidensiya laban kay Duterte pagsapit ng kalagitnaan ng Oktubre.
Maglalaan ang Senado ng full-day trial sessions sa unang bahagi ng Oktubre bago tumutok sa panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet.
Sinabi ni Tolosa na kabilang sa pinag-aaralan nila kung kailangan pang iharap ang lahat ng financial records kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth laban sa bise presidente.





Comments