top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Business | SEC, pinatitigil ang 3 grupong umano’y nag-aalok ng unregistered investments

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by BRO @News | September 28, 2026



SEC, pinatitigil ang 3 grupong umano’y nag-aalok ng unregistered investments

Photos: File / Securities and Exchange Commission



Pinatitigil ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang investment-taking activities ng tatlong grupo matapos matuklasang wala silang kinakailangang rehistro at lisensya para mag-alok ng securities sa publiko.


Sakop ng cease and desist orders ng SEC ang G’s Kicks Billard Hall, NShop/M&N Online Shop/NFunds at AI Quest Trading, pati ang kanilang mga opisyal, kinatawan at iba pang kumikilos para sa kanila.


Inatasan din silang alisin ang mga online platform na ginagamit sa investment schemes at huwag galawin o ilipat ang mga pondong nasa kanilang mga bank account.


Ayon sa SEC, nag-aalok umano ang G’s Kicks ng garantisadong 8% hanggang 10% return sa loob ng 30 araw, habang nanghihikayat naman ang AI Quest ng investment para sa AI-assisted stock trading.


Samantala, sinabi ng SEC na nagpatuloy ang NShop at mga kaugnay nitong entity sa pangangalap ng investments kahit na nabigyan na sila ng advisory laban sa kanilang operasyon noong Hunyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page