Search
  • BULGAR

12 yrs. na pagkakakulong sa sinumang mapatutunayang tumulong sa suicide

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 26, 2020



Dear Chief Acosta,


Nagpakamatay ang binatang anak na may sakit ng aking kapitbahay. Usap-usapan sa aming barangay na noong araw diumano na nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagbibigti, kasama niya ang kanyang kaibigan. Siya diumano ang bumili ng lubid at tumulong sa binata upang kitilin ang buhay nito. Maaari bang makasuhan ang kaibigan nito sa pagtulong niya sa nasabing insidente? – Onor


Dear Onor,


Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Maaari siyang makasuhan ng Giving Assistance to Suicide. Ayon sa Article 253 ng Revised Penal Code of the Philippines, ang sinumang magbibigay ng tulong sa tao upang kitilin ang sariling buhay nito ay maaaring makulong, viz:


“Article 253. Giving assistance to suicide. - Any person who shall assist another to commit suicide shall suffer the penalty of prision mayor; if such person leads his assistance to another to the extent of doing the killing himself, he shall suffer the penalty of reclusion temporal.
However, if the suicide is not consummated, the penalty of arresto mayor in its medium and maximum periods, shall be imposed.

Base sa inyong kuwento, kung mapatunayan mang tinulungan nito na magpakamatay ang anak ng inyong kapitbahay, maaari siyang makulong sapagkat ito ay krimen sa ilalim ng nabanggit na batas. Ang pagbili ng lubid na ginamit sa pagbibigti at ang mismong presensiya sa oras ng nasabing pagpapakamatay ay mga patunay na tinulungan nitong magpakamatay ang anak ng inyong kapitbahay. Dahil dito, siya ay maaaring makulong ng anim na taon at isang araw hanggang labindalawang taon.


Sa kabilang banda, kung mapatutunayang may foul play sa pagkamatay ng anak ng inyong kapitbahay, siya ay maaaring kasuhan ng Homicide o Murder.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.