top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

1 buwan sa ospital… CRISTINE, UMAMING MUNTIK MAMATAY DAHIL SA MENINGITIS

  • BULGAR
  • Jul 9, 2021
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 09, 2021



Inamin ni Cristine Reyes na may personal encounter siya sa Panginoong Diyos noong 2010 na muntikan siyang mamatay.


Sabi ni AA (palayaw ni Cristine) habang nasa hospital bed at hinang-hina at nakita niya ang crucifix sa wall ng kuwarto niya ay nanalangin siya at humiling ng isa pang pagkakataong mabuhay at babaguhin niya lahat.


Sa face-to-face presscon ng Filipino version ng Korean drama na Encounter na ginanap sa Botejyu Capitol Commons ay naikuwento ito ni Cristine.

“Overfatigue na ako noon, low immune system, tinamaan ako ng virus called meningitis. Nagkombulsiyon ako sa set ng Reputasyon (teleserye sa ABS-CBN). They rushed me to the hospital and I stayed in the hospital for almost one month,” bungad ng aktres.


Kaya raw inabot nang ganu’n katagal noon si AA sa hospital ay dahil hindi malaman ng mga doktor kung ano ang sakit niya. Maraming tests ang ginawa sa kanya hanggang sa nalaman na nga na muntik na niyang ikamatay.


“They couldn’t find out what’s going on with me, so they got to get a water thing in my spine to examine my brain.


“Then they found out na meningitis and it’s deadly. So, ako, parang nag-pray na lang ako kay God noon and sabi ko, ‘I can’t die, I want to live.'


“I remember, I was fighting for my life. I am super weak. Then after a week of fighting for my life, lumakas akong bigla. So I guess, God gave me strength to fight because I asked for it and I don’t want to give up.”

Going back to Encounter ay mas matanda nang 10 years ang karakter ni Cristine na si Selene kay Diego Loyzaga bilang si Gino na nagkagustuhan nga sa kuwento.


Kaya sa tanong kung posible bang mangyari ang kuwento ng serye nila sa totoong buhay (magkagusto ang aktres sa mas bata sa kanya), natawa muna si AA bago sumagot, “Would I? I think, I can’t lie, okay, sige, yes!”


Malaki ba ang adjustment nina Cristine at Diego?


“Nag-adjust a little bit and then naging swak na rin right away, not really that long. Kasi ‘yung mga una naming taping, super light, it was located in Ilocos, so everything was beautiful.


“‘Yung place and ‘yung mga eksena namin, iyon ‘yung mga moments namin na puro kilig lang kaming dalawa ni Diego. So, ‘yun ‘yung mga namamasyal kami habang nagwo-work,” kuwento ng aktres.


Inamin din ni AA na nahirapan silang i-shoot ang serye at may pressure rin sa buong production dahil sa bawat matatapos na eksena ay ipinadadala agad sa Korea para mapanood ito ng namamahala roon.


At kapag hindi nila ito nagustuhan ay kailangang i-reshoot. Mabuti na lang daw at aprub ang lahat ng ginawa ng kanilang direktor na si Jeffrey Jeturian.


Simula July 23, 2021, maaari nang mapanood ang Encounter sa Vivamax.


Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page