Zaldy Co, makakatakas na naman dahil sa sablay na pagbibida ni Jonvic Remulla

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 12, 2026

DAHIL SA PABIDANG SABLAY NI SEC. REMULLA NA AARESTUHIN NA NILA SA FRANCE SI ZALDY CO, MALAMANG MAGTATAGO NA NAMAN SA IBANG BANSA ANG DATING KONGRESISTA — Sablay ang pabida ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na alam na raw nila ang kinaroroonan ni former Cong. Zaldy Co sa France at magtutungo raw sila doon para dakpin ito sa kasong plunder at iibalik sa Pilipinas.
Kaya natin nasabing sablay kasi dahil nabalita ito sa mainstream media at kumalat sa social media na dadakpin siya ng grupo ni Remulla sa France, tiyak na alam na ito ni Zaldy Co, at malamang lumipat na naman ito ng ibang bansa para doon uli magtago, boom!
XXX
KUNG HINDI GINATUNGAN NI DDS VLOGGER “PRINCESS MAUI” SI VP SARA NA MAGALIT, HINDI SANA NAKAPAGBANTA AT HINDI SANA NAKASUHAN ANG BISE PRESIDENTE NG 3-COUNTS NG CYBERCRIME NA GRAVE THREATS — Matapos
magpiyansa, humarap naman sa kanyang arraignment si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Sa totoo lang, hindi sana nahaharap si VP Sara sa 3-counts ng kasong cybercrime na grave threats kung hindi siya ginatungan ng isang DDS vlogger na nagngangalang “Princess Maui”.
Sa video conference kasi noong November 2024 ay “ginatungan nang ginatungan” ni “Princess Maui” si VP Sara na kesyo delikado raw ang buhay nito dahil sa madalas na pag-atake ng Bise Presidente kina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at sa noo'y Speaker na si Martin Romualdez, at dahil diyan ay nakapagsalita siya (VP Sara) na may kinausap na siyang tao na “kapag pinatay siya, patayin sina Bongbong Marcos, Liza Araneta at Martin Romualdez.”
Ang nais nating ipunto rito ay wala sanang kinakaharap na 3-counts ng kasong cybercrime grave threats si VP Sara kung hindi siya pinagalit, ginatungan ni “Princess Maui,” period!
XXX
MALAMANG PATI SC MALINTIKAN KAY VP SARA KAPAG NAGING PRESIDENTE SIYA SA 2028 — Lahat ng hiling ni VP Sara sa Supreme Court (SC) ay hindi na inaaksyunan. Humiling noon si VP Sara na ipa-stop ang ikalawang impeachment na isinampa sa kanya ng Kamara, hindi inaksyunan nang nasa Senado na. humiling din na ipa-stop ang impeachment trial sa kanya, hindi rin inaksyunan; hiniling din na pagbawalan ang impeachment court na buksan ang tax records, pati bank accounts nilang mag-asawa, hindi na naman inaksyunan; at ang latest, humirit ng temporary restraining order (TRO) para ipa-stop ang gagawing paglilitis sa kanya ng QC court, hindi pa rin inaksyunan.
Naku, eh kapag naging presidente si VP Sara sa 2028 election, malamang hindi lang Marcos admin, mga kaalyado nitong senador at kongresista ang malintikan sa kanya, kundi pati ang mga mahistrado ng SC, boom!
XXX
DAHIL MASIPAG ANG KAPULISAN SA PAGHULI SA MGA SMUGGLED SHABU, YOSI AT IBA PANG PRODUKTO, DAPAT BUWAGIN NA ANG CUSTOMS AT SA PNP NA IPAMAHALA ANG ADUANA SA ‘PINAS — Halos araw-araw ay may nababalitang mga smuggled shabu, sigarilyo at iba pang smuggled products ang nasasabat ng mga kapulisan.
Kung ganyan kasipag ang kapulisan sa pagsabat sa mga iniismagel na kargamento, aba'y dapat buwagin na ang Customs at ipaubaya na sa PNP ang pamamahala sa Aduana sa bansa, period!




Comments