top of page
BINI Gwen.jpg

Karapatan ng arkitekto sa ilalim ng Intellectual Property Code

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 28, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang lolo ko po ay nagpapagawa ng bahay at kumuha siya ng arkitekto para rito. Kalahati na ang nagagawa sa nasabing bahay nang bigla na lamang sinabi ng lolo ko na gusto niyang pamahalaan ang pagpapatayo ng kanyang bahay sapagkat mayroon naman siyang kaalaman patungkol dito. Hindi sumang-ayon ang arkitekto sa suhestiyon ng lolo ko at sinabing mayroon siyang karapatan sa pagkontrol sa pagpapagawa ng bahay na kanyang dinisenyo. Tama po ba ang sinabi ng arkitektong ito? Nais ko pong maliwanagan. Maraming salamat po. — Harvey Carabbacan





Dear Harvey Carabbacan,


Ang Republic Act (R.A.) No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines ay ang partikular na probisyon na nagbibigay ng legal na proteksyon sa copyright ng mga gawaing arkitektural sa bansa. Sa ilalim ng batas na ito, kinikilala ang mga disenyo, plano, at mismong istruktura ng mga gusali bilang mga natatanging likhang-sining na may eksklusibong karapatan laban sa hindi awtorisadong paggaya o pangongopya.


Nasasaad sa Section 186 ng inamiyendahang R.A. No. 8293 na:


“SECTION 186. Work of Architecture.


Copyright in a work of architecture shall include the right to control the erection of any building which reproduces the whole or a substantial part of the work either in its original form or in any form recognizably derived from the original: Provided, That the copyright in any such work shall not include the right to control the reconstruction or rehabilitation in the same style as the original of a building to which that copyright relates. (n)” (Emphasis Supplied)


Samakatuwid, kaloob sa copyright ng isang arkitekto ang karapatan sa pamamahala o pagkontrol sa pagtatayo ng isang gusali sang-ayon sa kaniyang ginawang disenyo. Samakatuwid, maaaring ang nabanggit na arkitekto ay may karapatang pamahalaan ang pagpapatayo ng bahay ng iyong lolo. Kung hindi sila magkasundo, kailangang tingnan ang kanilang kontrata upang malaman ang kani-kaniyang karapatan ng bawat partido.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page