Dizon at Lopez, ‘di raw palpak pero inalis at pinagpalit ng puwesto

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 28, 2026

SA AKALANG SI SEC. LINO CAYETANO NA ANG SPOKESMAN NG MALACAÑANG KUMALMA ANG MGA DDS, PERO NA-HIGHBLOOD NA NAMAN SILA NANG MAGBALIK ANG TAKLESANG ANTE KLER – Kamakalawa, nang si Presidential Communication Office (PCO) Sec. Lino Cayetano ang humarap sa presscon sa Malacañang ay medyo kumalma ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) kasi may pagkamaginoo ito, maayos manalita, na ‘ika nga inakala nila na hindi na si Usec. Claire ‘Ante Kler’ Castro ang magiging spokesperson ng Palasyo.
‘Yun pala, panandalian lang ang pagkalma ng mga DDS, kasi kahapon, na-high blood na naman sila dahil balik na naman ang taklesang si Ante Kler bilang spokesperson ng Malacañang, boom!
XXX
KAPAG BIGLANG NAGING ASSOCIATE JUSTICE, IBIG SABIHIN LIAR SI ANTE KLER – Pinabulaanan ni Usec. Claire Castro ang kumakalat sa social media na itatalaga siya ni PBBM bilang Associate Justice ng Supreme Court (SC).
Talaga lang ha? Kaya't kung sakaling bigla siyang maging associate justice ng SC, ay isa lang ang ibig sabihin nito: liar si "Ante Kler," period!
XXX
SEC. JONVIC REMULLA NAGLALABAN-BAWI SA PAG-ARESTO KAY SEN. DELA ROSA – Kamakailan sa presscon ni DILG Sec. Jonvic Remulla, inatasan na niya ang PNP na hulihin na si Sen. Ronald dela Rosa na may kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), at kamakalawa nagpalabas siya ng statement na makikipag-usap daw siya sa minority senators na kumbinsihin ang puganteng senador na mapayapang sumuko.
'Yan si Sec. Jonvic, laban-bawi sa pagpapaaresto kay Sen. Dela Rosa kasi noong una palaban ang kanyang statement na arestuhin na ang senador, nilagyan pa nga niya ito ng patong na P50 million reward para madali itong mahuli, tapos tila binabawi ang kanyang sinabi nang sabihing kakausapin daw niya ang minority senators para mapasuko ito nang mapayapa, boom!
XXX
HINDI NA DAPAT PINAGPALIT NI PBBM NG PUWESTO SINA SEC. DIZON AT SEC. LOPEZ, KASI KUNG INAAKALA NILANG PALPAK ANG MGA ITO, DAPAT PAREHO SILANG SINIBAK – Tinanggal ni President Ferdinand. “Bongbong” Marcos jr., (PBBM) sa kanilang mga posisyon sina Sec. Vince Dizon at Sec. Giovanni Lopez. Si Sec. Dizon ay inalis sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ibinalik ito sa dati niyang pinamumunuang Department of Transportation (DOTr), samantalang ang tinanggal naman sa DOTr na si Sec. Lopez ang siyang itinalaga sa DPWH.
Kung maayos ang pamumuno ni Sec. Dizon sa DPWH at ni Sec. Lopez sa DOTr ay hindi sila tatanggalin sa puwesto, pero ang masaklap, sinisibak bilang miyembro ng Gabinete ni PBBM, kasi nga pinagpalit lang sila ng posisyon.
Ang nais nating ipunto ay dapat tuluyan na silang tinanggal bilang mga miyembro ng Gabinete at hindi 'yung pinagpalit lang sila ng puwesto kasi kung palpak ang pamumuno ni Sec. Dizon sa DPWH ay malamang papalpak din ito sa DOTr, at gayundin si Sec. Lopez, kung sablay ang liderato nito sa DOTr, ay malamang sasablay din ito sa DPWH, period!




Comments