top of page
Search
  • BULGAR

Yumaman daw siya… KIM, HAPPY NA NAGING 2 MILYON ANG YOUTUBE SUBSCRIBERS DAHIL SA KAPALPAKAN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 27, 2020




Umabot na sa mahigit 2 million ang YouTube subscribers ni Kim Chiu kaya bilang pasasalamat sa mga ito at selebrasyon na rin, gumawa siya ng vlog kung saan binasa niya ang lahat ng hate messages sa kanya.


Aniya, “Gusto ko lang saktan ang self ko nang very little, so let’s read it at kahit na ano ‘yan, I love you so much and thanks for watching all my videos.”


Ang unang binasa niya, “Born with beauty but not an entertainer, bwa, ha, ha ha."


Say ni Kim, “I think sa tawa mo pa lang, bully ka na. ‘Yung bwahahaha, tinatawa ba natin ‘yun in a normal daily basis? Sa tawa mo, funny person ka, at least na-entertain kita, 'di ba at salamat sa pagpansin ng beauty, ibig sabihin, nagandahan ka sa akin. Hay, konti lang kayo.”


Pangalawang hate message, “Grabe naman ‘yung outfit ni Kim Chiu, papansin naman kasi masyado, dami tuloy basher. Pinahirapan pa ‘yung sarili, puwede namang simple lang. Paano kaya siya uupo?"|


Ang sagot ng aktres, “Alam ko ‘to, ito ‘yung gown ko sa ABS-CBN Ball. Una sa lahat, 'pag mga ball kasi, gusto ko talagang pinapahirapan ang sarili ko. Dati kasi, wala akong pambili ng gown, ngayon, meron na akong sponsor, gusto ko na ng hard core gown. Eh, gusto ko, malaki, hindi ko naman na-realize na mukha palang shuttle cock. Eh, ‘yun ang gusto kong suotin, hindi naman ikaw ang nahirapan, ako naman, saka na-pretty-han naman ako sa self ko. #hashtagselflove.”


At ang ikatlong mensaheng binasa ni Kim na nasaktan siya, “Heto na, sus, ang bait-bait noon sa PBB pa lang, kaya ka nanalo, nakuha mo nga text vote ko, eh. Ang layo pala sa totoong buhay.”


Katwiran ni Kim, “Salbahe ba ako? Nakikita ko naman ‘yung mga nakatrabaho namin sa bahay ay 20 years, 15 years na sila sa amin. So, I think kung salbahe ako, wala na sila, iba-iba na ‘yung mga tao namin. Na-hurt ako, ah?"


Natanong din si Kim kung malaki ba ang kinita niya sa viral video niyang Bawal Lumabas at kung mayaman na siya. Dito naging emosyonal ang dalaga. Bukod kasi rito ay nilait ang boses niya dahil kumanta pa siya.


"Idinoneyt ko naman 'yung mga kinita ko roon. So, 'di man ako yumaman as yumaman sa bulsa, yumaman naman ako sa good deed. So, that's more important.


"Naiiyak ako. Naging dalawang million ang yaman ko dahil dumami kayo. Basta masaya ako. I'm very grateful and blessed to share kung anuman 'yung nakuha ko sa pagkakamali na 'yun,” teary eyed na sabi ni Kim.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page